Martes, Agosto 19, 2008

Ang Ina Poon Bato "Ang Ina ng mga Pilipino"


Ang Ina Poon Bato ay itinanghal sa pidestal ng isang makasaysayang tribu sa pangunguna ng Etang si Djadig ng bulubundukin ng Zambales at ipinahayag sa kasaysayan na ang Birhen ay tunay na nagpakita sa ating bayan at mga bansa ng mga pagpapala’t himalang hindi na mabilang ng panahon.

Ang pagkatagpo sa imaheng ito ay sinasabing ang Salita ng Diyos ay naganap nang muli: na ang tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay kundi sa mga Banal na Salita ng Panginoon, matapos maganap ang mahiwagang pangyayari, ng hindi man lamang nasunog ang imahen, na inihagis sa isang naglalagablab na apoy ng may bahay ni Djadig dahil sa hindi pagkain ang iniuwi nito mula sa kanyang pangangaso sa gubat kundi isang imahen ng Mahal na Birhen.

Si Djadig ang nakatagpo sa imahen ng Birhen sa gitna ng tag-gutom. Sa kanyang kagandahang-loob ay pinagyaman niya ito ng may pananalig, na ang kanyang tribung nagdarahop ay magbabago isang araw pagdating ng panahon. Anupa’t bunga nito ay isang malawakang konbersyon ng paniniwala sa Birhen ang sa kanila ay naganap at ang tribu nila ay naging masagana at mapayapa.

Ang galit na sumiklab sa puso ng kanyang kabiyak ay pinawi ng Birhen ng kapayapaan at pinalitan ito ng pusong masintahin. Samantala, ang tribu naman niyang sa anito sumasamba ay nagkaroon ng kakaibang alab sa paniniwala matapos masaksihan ang mahimalang ni galos ng apoy o abo ng lagablag ay hindi man lang nakasira sa imahen. Kung kaya ang bagay na ito ay kanilang isinapuso, na ito ay regalo sa kanila ng totoong Diyos. Gayundin naman, ang Birhen ay gumawa ng alab ng bayanihan at damayan sa tribu ni Djadig kung kaya ang kanilang tag-gutom na panahon ay pinalitan ng nag-uumapaw at siksik na kasaganahan. Naging masaya ang buong bayan ni Djadig at ang lahat ay dahil sa Birhen na kanilang tinatawag na INA POON BATO.

Sa natatanging tagpo na ito sa ating pananampalataya, sinasabing ang Pamimintuho sa Ina Poon Bato ay mabisa ukol sa mga pusong tigib ang galit, sa mga taong ang sama ng loob, pagdaramdam at hinanakit ay naglalaho ang alab sa pananampalataya, sa mga taong dahil sa kasalatan, karamdaman at kagutuman ay nagugulo at nasisira ang pananalig sa Maylikha. Samantalang ang pakikipagkasundo ay pinupuspos naman Niya ng kapayapaan at ang mga taong hindi malayo ang loob sa Diyos sa kabila ng lahat ay higit Niyang kinakalinga lalo na sa mga panahong bingit at mahigpit ang pagsubok.

Kung gayon, ating ipagkatiwala sa Ina Poon Bato ang ating mga kahilingan. Gawin nating palagian ang pagnonobena sa Ina Poon Bato lalo na ang pagdalo sa mga pagdiriwang ng Misa Nobenaryo ng Apostolic Catholic Church at sa pag-papalakad ng Block Rosary sa iba't-ibang lugar, tuwing araw ng Miyerkoles sa buong bansa, saan man sulok ng mundo.

Ang Imahen ng Ina Poon Bato ay isinadambana sa Danac Bunga, Botolan, Zambales, ito yung tinatawag na sinaunang imahen ng Virgin Mother in Asia (ayun sa manunulat ng Pigafeta’s), mula ng nakita nila ito sila ay nag-purit nag-pasalamat.


Ang Kuwento ng Ina Poon Bato

Ang isang malayong bahagi ng bundok ng Botolan, Zambales, Pilippines ay merong lupain ang tribu ng mga katutubong mangangaso ang Eta. Si Djadig ang kanilang pinuno, sya ay natatangi at may pambihirang galing sa pangangaso wala pang nakakatalo sa kanyang galing sa pagsibat at pamamana. Wala ni isa sa tribu o lipi nila ang nakakadaig sa bilis nyang tumakbo at kahit na wala syang sibat o pana ay nakakalapit sya at nakakahuli sya ng napakabilis na usa. Sa buong lugar ng mga negritos o Eta siya ay kinikilalang pinuno ng mga pangkat.

Sa paglalakbay ng mangangaso kasama ang tatlo nyang anak at dito nya unang naranasan ang milagro. Nang Huminto sila at namahinga sa lugar ng Pastac River ng may biglang hindi maipaliwanag na liwanag at may narinig syang napaka-gandang at makalangit na tinig na sumasabay sa hangin na nagsasabing, “Tumayo ka, Djadig. Hanapin mo ako. Puntahan at isama mo ako sa iyong pag-uwi.”

Ang tinig ay nang-gagaling sa tuktok ng napakataas na bato, mula doon sa kinaroroonan ni Djadig, mag-isa syang pumunta sa tuktok ng bato at nakita nya ang napaka-gandang babae na nagliliwanag sin-liwanag ng araw at ang damit nya ay may kumikintab ng ginto. Ang kanyang buhok ay katulad ng liwanag ng araw sa kinang nito, nakita nya ang maamong mata nito at nadama niya sa mga matang iyon na kanyang nakita na tila nagmamakaawa. Siya ay hinihila sa kanyang kinaroroonan ng katangitanging pagmamahal ng Diyos, alalaum bagay siya ay parang metal na minamagnet nito. Ipinikit at inimulat nya ang kanyang mga mata ng paulit-ulit baka namamalik mata lang siya sa kanyang nakita. Nang siya’y lumapit doon sa kanyang nakita, nakita nya ang isang bagay na ito, ang napaka-gandang babaeng kanyang nakita ay isang imahen na inukit sa kahoy na may kumikinang na ginto.

”Isama mo ako sa iyong pag-uwi,” ang napakaganda at makalangit na tinig ay nagwika muli na nag-uutos, at sinunud nga ni Djadig ang pinaguutos nito. Nang nakauwi na si Djadig, ang kanyang asawa ay hindi naniwala sa kanyang misteryosong kuwento nito. Nagalit ito dahil sa pinabayaan nya ang kanyang pangangaso, kinuha niya ito at tinuring na walang saysay o walang gamit ang imaheng kahoy at itinapon ito sa galit sa kanilang nag-aapoy na lutoang bato. Sinunog nya ito, lumakas at tumaas ang apoy hangang sa kisame nito, nasunog ang maliit na bahay ni Djadig humingi sila ng tulong pero bago dumating ang tulong ay nagmistulang abo na bahay nito. “Sandali tingnan ninyo!” Umiiyak ang mga bata ng nakitang may kumikinang na liwanag sa pira-pirasong kawayan, “Ang nagliliwanag na imahen ay hindi nasunog.” Totoo nga. Nakita nila na walang kagalosgalos o sunog man lang ang Imahen at ito’y kumikinang na parang ginto. Bilang kabayaran, ay nag-bigay sila ng galang, respeto at mataas na papuri’t pagmamahal sa Imahen. Ang mga eta o negrito ay ibinalik ang Sagradong Imahen na kung saan sya natagpuan at na diskubre ni Djadig.

Maraming taon na ang nag-daan the first Europeans landed on Philippine soil. Nang sakupin nila ang islang ito, nang manguna ang impluwensiya ng kabihasnan ay nadaig. Ipinakilala ang kristianismo sa Bagong Sibilisasyon, at nang binigay ng mga eta o mga negrito people ang Imahen ng Birhen Maria, sila ay natuwa at nagbigay ng malaking parangal sa nakita nilang replika ng sarili nilang patrona ang babaing tagapag-adya, “Ina Poon Bato”.

Mula nang nadiskobre ni Djadig ang kumikinang na Imahen ay natagpuan ito ng Spanish missionaries, sila ay naniniwala na ang Mahal na Birhen ay nagpauna sa lugar nila. Ipinaliwanag ng mga Eta o Negritos na ang “Ina Poon Bato” ang pinanggagalingan ng maraming milagro sa kanilang buhay. Siya ang kanilang patrona at binibigyan sila ng ulan ng Mahal na Ina nang sa gayon ay mabigyan ng buhay ang kagubatan, madiligan ang mga halaman, mga puno, may makain ang mga usa, para marami silang maani, makain at mahuling usa.

Ina Poon Bato ay nakilala na ng mahabang panahon na nagmimilagro dito sa Pilipinas at marami ang nagpatibay na ito ay totoo at naniniwala sa kanya, pero hanggang noong dumating ang taong 1985 dinala itong Ina Poon Bato sa Roma at opisyal na nagbigay pagpapasya na tangkilikin ito ng kanyang kabanalan Pope John Paul II.

Ang Barrio ng Ina Poon Bato ay nasira mula noong nasalanta ng pagsabok ng Mt. Pinatubo eruption. Ang Imahen ay nailigtas at matatagpuan ito sa Danac Bunga, Botolan, Zambales na kung saan ay ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan.

At ngayon mula ng namahala ang Espiritu Santo at nagpatawag siya sa abang pangalang Mahal na Ingkong (isang pulubi), ang kanyang Pambansang Dambana ang Apostolic Catholic Church ay itinayo para sa Ina Poon Bato at matatagpuan ito sa 1003 North Avenue Edsa, Veteran’s Village, Project 07, Quezon City.

Isa sa Mensahe ng Mahal na Ingkong para sa mga tao, sinabi nya na, “...ang Ina Poon Bato ay ang Ina ninyong mga Pilipino.”

Tuwing 25 Enero ang kapistahan ng Ina Poon Bato.

Ave Maria Purissima...

Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat mula sa Kataas-taasang
Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.

1 komento:

hijas mitz ayon kay ...

ave maria purisima... (3x)

isang mapagpalang at magandang gabi, nais ko lamang magpabatid na ang nilalaman ng blog na ito ay magandang pagbibigay kaalaman para sa lahat lalo na sa mga hinirang at higit para sa aking mga kapatid na na bagong hirang ng mahal na ingkong ...
maraming salamat...

ave maria purisima ...