Nang mga panahong iyon ni Sto Domingo de Guzman nakita nito na malubha na sa paggawa ng kasalanan ang mga Albigenses at dapat nang pigilan ang mga ito nang sa gayon ay magbalik loob sa makapangyarihang Diyos, kaya ng mga oras na iyon ang ginawa niya ay bumalik siya sa kagubatan upang magdasal malapit sa Toulouse, na kung saan ay walang tigil siyang nanalangin ng tatlong araw at tatlong gabi at sa mga oras na yun ay wala siyang ginawa kundi lumuha at humagulgol at malupit na penitensiya o pagpapakasakit ang kanyang ginawa nang sa gayon ay mapahinahun o mapawi ang galit ng Makapangyarihang Diyos. Nang matapos ay mahinahun siyang kumilos na tila nagutay-gutay ang kanyang katawan matapos ay siya’y bumaksak at nawalan ng malay-tao.
“Mahal na Domingo, alam mo ba kung ano ang sandata ng Mahal na Santisima Trinidad na kailangan gamitin para mapabuti at mapagbago ang mundo?”
“Oh, Mahal na Birhen,” sagot ni Sto. Domingo, “kayo po ang nakakaalam kaysa sa akin kung ano po ang nararapat dahil kayo po ang sumunod sa inyong anak na si Hesukristo ang laging may pinakamataas na kasangkapan para po sa aming kaligtasan.”
At sumagot ang Mahal na Birhen:
“Gusto kong malaman mo na, sa ganitong uri ng digmaan, ang dudurog at wawasak niyan ay ang Orasyong Saltero na kung saan ito yung saligang bato ng Bagong Tipan. Kaya’t kung gusto mong maabot itong talamak na mga kaluluwa na patuloy sa paggawa ng kasalanan at manalo sa kanila sa tulong ng Diyos, ipahayag mo ang aking Saltero.”
At sa simula ng kanyang pangaral ay nakapangilabot ang sumiklab sa bawat isa, alalaumbagay ang mundo ay nanahimik, ang araw ay dumilim at kumulog ng malakas at kumidlat, ang lahat ay natakot at nangamba. Labis silang natakot nang makita nila ang larawan ng Mahal na Birhen na nagpakita sa tanyag na lugar at nakita nilang itinaas niya ang kanyang bisig sa kalangitan ng tatlong beses para pumanaog ang Diyos ng buong lakas at pwersa nang sa kadahilanang hangarin sa tao, na kung sila’y di-magtagumpay na mag-balik loob sa Diyos, at baguhin ang uri ng kanilang pamumuhay at hingin ang pagsanggalang o kaligtasan sa Banal na Ina ng Diyos.
Pagkatapos, sa pagdarasal ni Santo Domingo, ang bagyong dumating ay nawala at siya ay tumungo sa pangangaral. Masiglang talakayan at pilit niyang ipinaliwanag ang kahalagahan ng Santo Rosaryo na halos lahat ng sambayanan ng Toulouse ay tumanggap at niyakap itong Santo Rosaryo at tinalikuran na nila ang huwad o maling pagsampalataya. Hindi nagtagal ay napakalaking pagbabago ang nakita sa mga taong bayan, ang mga tao ay nagsimulang mamuhay ng mabuti, nagbabanal, may takot sa Diyos at palagiang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Iniwan na nila ang dating nakasanayang masamang pag-uugali, bisyo at pag-gawa ng kasalanan.
Ave Maria Purissima,
Mga magulang ko’t mga kapatid sa ngalan ng Mahal na Ingkong at ng Mahal na Birhen Maria at ng Mama Sta. Maria Virginia, nawa po ang maikling kuwentong ito ay makapagbigay inspirasyon sa lahat ng nagdarasal ng Santo Rosaryo at mapalaganap pa ng mga tinatakan ng Mahal na Ingkong ang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa buong mundo, mas maraming manggagapas na mga kaluluwa gaya ng mga winika ng Mahal na Ingkong “Maging salbabida kayo ng maraming kaluluwa. Hikayatin ninyo sila sa gawaing kabanalan, laluna sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.” at masumpungan pa ng nakararami, ng mga hindi pa nakakaalam ng Kaganapang ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong.
Ave Maria Purissima.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento