Lunes, Hunyo 18, 2012
Biyernes, Pebrero 24, 2012
ANG ORDINADONG PARI NG MAHAL NA INGKONG

Sabado, Pebrero 4, 2012
Miyerkules, Setyembre 16, 2009
Ang Pinagmulan ng Santo Rosaryo

Nang mga panahong iyon ni Sto Domingo de Guzman nakita nito na malubha na sa paggawa ng kasalanan ang mga Albigenses at dapat nang pigilan ang mga ito nang sa gayon ay magbalik loob sa makapangyarihang Diyos, kaya ng mga oras na iyon ang ginawa niya ay bumalik siya sa kagubatan upang magdasal malapit sa Toulouse, na kung saan ay walang tigil siyang nanalangin ng tatlong araw at tatlong gabi at sa mga oras na yun ay wala siyang ginawa kundi lumuha at humagulgol at malupit na penitensiya o pagpapakasakit ang kanyang ginawa nang sa gayon ay mapahinahun o mapawi ang galit ng Makapangyarihang Diyos. Nang matapos ay mahinahun siyang kumilos na tila nagutay-gutay ang kanyang katawan matapos ay siya’y bumaksak at nawalan ng malay-tao.
“Mahal na Domingo, alam mo ba kung ano ang sandata ng Mahal na Santisima Trinidad na kailangan gamitin para mapabuti at mapagbago ang mundo?”
“Oh, Mahal na Birhen,” sagot ni Sto. Domingo, “kayo po ang nakakaalam kaysa sa akin kung ano po ang nararapat dahil kayo po ang sumunod sa inyong anak na si Hesukristo ang laging may pinakamataas na kasangkapan para po sa aming kaligtasan.”
At sumagot ang Mahal na Birhen:
“Gusto kong malaman mo na, sa ganitong uri ng digmaan, ang dudurog at wawasak niyan ay ang Orasyong Saltero na kung saan ito yung saligang bato ng Bagong Tipan. Kaya’t kung gusto mong maabot itong talamak na mga kaluluwa na patuloy sa paggawa ng kasalanan at manalo sa kanila sa tulong ng Diyos, ipahayag mo ang aking Saltero.”
At sa simula ng kanyang pangaral ay nakapangilabot ang sumiklab sa bawat isa, alalaumbagay ang mundo ay nanahimik, ang araw ay dumilim at kumulog ng malakas at kumidlat, ang lahat ay natakot at nangamba. Labis silang natakot nang makita nila ang larawan ng Mahal na Birhen na nagpakita sa tanyag na lugar at nakita nilang itinaas niya ang kanyang bisig sa kalangitan ng tatlong beses para pumanaog ang Diyos ng buong lakas at pwersa nang sa kadahilanang hangarin sa tao, na kung sila’y di-magtagumpay na mag-balik loob sa Diyos, at baguhin ang uri ng kanilang pamumuhay at hingin ang pagsanggalang o kaligtasan sa Banal na Ina ng Diyos.

Pagkatapos, sa pagdarasal ni Santo Domingo, ang bagyong dumating ay nawala at siya ay tumungo sa pangangaral. Masiglang talakayan at pilit niyang ipinaliwanag ang kahalagahan ng Santo Rosaryo na halos lahat ng sambayanan ng Toulouse ay tumanggap at niyakap itong Santo Rosaryo at tinalikuran na nila ang huwad o maling pagsampalataya. Hindi nagtagal ay napakalaking pagbabago ang nakita sa mga taong bayan, ang mga tao ay nagsimulang mamuhay ng mabuti, nagbabanal, may takot sa Diyos at palagiang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Iniwan na nila ang dating nakasanayang masamang pag-uugali, bisyo at pag-gawa ng kasalanan.
Ave Maria Purissima,
Mga magulang ko’t mga kapatid sa ngalan ng Mahal na Ingkong at ng Mahal na Birhen Maria at ng Mama Sta. Maria Virginia, nawa po ang maikling kuwentong ito ay makapagbigay inspirasyon sa lahat ng nagdarasal ng Santo Rosaryo at mapalaganap pa ng mga tinatakan ng Mahal na Ingkong ang pagdarasal ng Santo Rosaryo sa buong mundo, mas maraming manggagapas na mga kaluluwa gaya ng mga winika ng Mahal na Ingkong “Maging salbabida kayo ng maraming kaluluwa. Hikayatin ninyo sila sa gawaing kabanalan, laluna sa pagdarasal ng Santo Rosaryo.” at masumpungan pa ng nakararami, ng mga hindi pa nakakaalam ng Kaganapang ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong.
Ave Maria Purissima.
Martes, Hunyo 23, 2009
Ang Pagdarasal ng Sto. Rosaryo
Ave Maria Purissima...


Pagsisisi:

Lumang Krus

Sumasampalataya
AMA NAMIN
ABA GINOONG MARIA
LUWALHATI
HALUKATORYO
MGA MISTERYO NG SANTO ROSARYO:
(Lk 1:28-32)
(Lk 1:39-41)

(Rev. 12:1)
DIOS TE SALVE
Llena eres de gracia,
el Senor es contigo.
bendita tu eres
entre todas las mujeres,
y bendito es el fruto
y bendito es el fruto
de tu vientre, Jesus.
Santa Maria, Madre de Dios,
ruega por nosotros pecadores,
ahora y en la hora
de nuestra muerte.
Amen. Jesus.
At babati ulit ng Ave Maria Purissima, atin pong pagnilay-nilayin ang Banal na “Litanya ng Mahal na Inang Birhen Maria”:
LITANYA NG MAHAL NA INANG BIRHEN MARIA
Dasalin ang “Manalangin Tayo”:
MANALANGIN TAYO
Susunod ang Aba Po Santa Mariang Hari”:
ABA PO SANTA MARIANG HARI

INA POON BATO
Alay panalangin para sa aming pinakamamahal na Patriarka Dr. +Juan Florentino L. Teruel, P.P. PhD. para sa kanyang kalakasan at malusog na pangangatawan at para sa mahabang buhay namin syang makapiling, sa pamamagitan niya ay maraming pang kaluluwang matatakan at masumpongan ang kaganapan ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa buong Mundo.
Dasalin ang “AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA at LUWALHATI” ng tatlong beses, at darasalin po natin ang:
STA. MARIA VIRGINIA, IPANALANGIN AT IPAMAGITAN MO PO KAMI SA MAHAL NA SANTISIMA TRINIDAD AT SA MAHAL NA BIRHEN MARIA. (3x) (mensahe po yan ng Mahal na Ingkong noong September 3, 2011 sa Pambansang Dambana ng Ina Poon Bato Shrine ng Apostolic Catholic Church na pagkatapos ng anumang panalangin ito po ay ating darasalin)
babati ng Ave Maria Purissima ng tatlong beses, at tatlong Allelua.
Tanda ng Krus:
Tandaan:
Ang unang limang Misteryo ng Santo Rosaryo ay ang Misteryo ng Tuwa, ang ikalawang limang Misteryo ng Santo Rosaryo ay Misteryo ng Hapis, at ang ikatlong limang bahagi ng Santo Rosaryo ay Misteryo ng Luwalhati.,Ito po ang kabuoan ng labing limang Misteryo ng Santo Rosaryo na ibinigay na Mahal na Birhen Maria kay Sto. Domingo noong taong 1206 at ito rin po ang kabuoan ng ating relihiyon at ng Banal na Kasulatan. Mga magulang ko’t mga kapatid sa pagdarasal ng Santo Rosaryo panatiliin po nating maayos at tama ang ating pagdarasal hanggat maaari (walang mali), dahil dito po ay pinag-nilaynilay po natin ang mga misteryo ng ating Panginoong Hesukristo at Mahal na Birhen Maria na nahati sa tatlong bahagi ng buhay, kamatayan at kaluwalhatian nina Hesus at Maria, kaya po sa pagdarasal po natin ng Santo Rosaryo ay kailangan ilagay natin ang ating sariling intensyon sa Diyos alalaum bagay ilagay natin ang ating puso’t isipan sa Diyos sa oras ng pagdarasal habang pinagninilay natin ang mga misteryo nito, iwasan po natin na pag-nagdarasal na kung saan-saan nakatingin at ang pag-lingon sa likuran, iwasan din po natin ang anumang ingay na hindi naaayon sa pag-rorosaryo. Hanggat maaari po ay sanayin natin ang ating sarili na sa pagdarasal ng Banal na Rosaryo na ang lahat po ay luluhod bilang sakripisyo natin sa Diyos. Kung tayo man ay nakadarama ng hirap sa pagluluhod sa paghahandog ng Sto. Rosaryo ay kaginhawahan naman po sa pamumuhay ang kapalit nito, alalaum bagay puno ng biyaya’t pagpapala ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ng Mahal na Birhen Maria, at kaligtasan sa kahit na anumang kapahamakan, disgrasya, karamdaman o sakit. Huwag din naman po natin kakalimutan mga magulang ko’t mga kapatid na dapat ay nasa tamang kasuotan tayo at ang mga kababaihan ay naka belo sa pag-darasal ng Sto.Rosaryo, nang sa gayun ay maging halimbawa at modelo tayong mga hinirang at tinatakan ng krus na puti sa noo ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ipakilala po natin ang nag-iisang simbahang kanyang tinatag ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH.
Martes, Hunyo 2, 2009
“Ang Karaniwang Debosyon sa Mahal na Birhen Maria”
“Ang Karaniwang Debosyon sa Mahal na Birhen Maria”
Ave Maria Purissima!
Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat mula sa Kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.
Ang Apostolic Catholic Church ang simbahang tinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa pamamahala at pamumuno ng aming Mahal na Patriyarka, sa Kanyang Kabanalan Patriarch +Dr. John Florentine L. Teruel, P.P. ay nagbibigay ng mataas na debosyon kay Maria dahil sa kakaibang kagampanan ng pagliligtas ng kanyang anak na si Hesus.
Mga magulang ko’t mga kapatid si Maria po ay hindi pang-karaniwang Ina. Sa kapanganakan ng sanggol na manunubos, ay nakipagkasundo ang Diyos kay Jose at Maria para sa pagkakatawang tao nito. At winika ng ating Mahal na Birhen Maria “Fiat” o “Maganap nawa sa akin ayon sa iyong Kalooban”, itong batang babae ng Judea ay isinuko ang kanyang sarili para sa Plano ng Diyos. Kung si Abraham ay naging ama ng mga bansa dahil sa kanyang buong pusong pagsuko at pananampalatay sa Diyos. Dito si Maria dahil sa kanyang buong-buong pagsuko ng kanyang sarili sa Diyos at ganun din sa kanyang hindi maipaliwanag na pananampalataya sa Diyos, si Maria ay naging INA ng Bagong Kaharian.
Sa simula’t simula si Maria po pinaka-mahalaga sa atin alalaumbagay Siya ang hindi mapapantayang regalo na pinag-kaloob sa atin, sa mga huling oras nang pag-kamatay ng ating panginoong Hesukisto, sa krus bago siya namatay, si Maria ay inihabilin niya sa atin, kanyang winika “Behold your mother” (Jn. 19:22). Mga magulang ko’t mga kapatid hindi lang siya naging Ina ni Juan kundi nating lahat, na nagkaroon ng pamimintuho’t pagmamahal sa Mahal na Birhen Maria ang Ina ng Diyos .
Sumakatuwid ang Mahal na Birhen Maria ay Ina ng lahat ng mga bansa, siya’y Ina ng simbahang tinatag ng ating panginoong Hesukristo ang One Holy Apostolic and Catholic Church, at Sa panahon ng Espiritu Santo ang ikatlong persona ng Diyos na nagpatawag sa mababang pangalang Mahal na Ingkong ay kanyang itinatag ang nag-iisang simbahang Apostolic Catholic Church na may markang One Holy Apostolic and Catholic Church sa pamamagitan ng ating Mahal na Patriyarka, sa Kanyang Kabanalan Patriarch Dr. +John Florentine L. Teruel, P.P. siya’y ipinakilala muli sa atin at itinuro ang tama pagdedebosyon, tamang paggalang, pagpapasakop at tamang aral sa Mahal na Birhen Maria.
Sa kalagayan ni Hesus ang kanyang laman at dugo ay nagmula kay Maria. Kung si Eva ay nanggaling sa laman o tagdyang ni Adan ayon sa banal na kasulatan nang nakita ni Adan ang kanyang kauri siya’y nag-wika “buto ng aking buto at laman ng aking laman” mababasa po natin yan sa unang libro ng Banal na Kasulatan Gen. 2:23. Dito kay Maria at Hesus ay pinatibay po mga magulang ko’t mga kapatid ang winiwika ni Hesus na “laman ng aking laman, buto ng aking buto”, samakatuwid ang laman ni Hesus ay nagmula sa laman ni Maria, at ang dugo ni Hesus ay nagmula sa dugo ni Maria, sa maikling salita si Maria ay ang mysteryong katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo.
“Tayong mga katoliko ay mahal na mahal natin ang Mahal na Birhen Maria” di po ba. Pero hindi natin kayang mahalin si Maria gaya ng pag-mamahal ni Hesus sa Kanya. Ang Mahal na Kataas-taasang Diyos ay sinubaybayan si Maria sa loob ng 30 taon, at naging bahagi si Maria sa paghihirap ni Hesus sa kalbaryo. Magpasahanggang ngayon si Maria ay dumating na nagmula sa langit para gabayan ang kanyang mga anak oras-oras. Ang unang milagro ni Hesus ay nangyari dahil sa kanyang pinaka-espesyal na Ina, hindi pa napapanahon para gawin ni Hesus ang mga bagay na iyon sa kasalan sa cana pero dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang pinaka-mamahal na Ina siya’y sumunod at ginawa niya ang pinag-uutos nito. Ang laging sinasabi ng Mahal na Inang Birheng Maria at nasusulat sa banal na kasulatan “Do what he tells you to do” o “Sundin ninyo anuman ang kanyang ipag-uutos” (Jn. 2:5).
Sa Pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO. Amen.