“Ang Karaniwang Debosyon sa Mahal na Birhen Maria”
Ave Maria Purissima!
Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat mula sa Kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.
Ang Apostolic Catholic Church ang simbahang tinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa pamamahala at pamumuno ng aming Mahal na Patriyarka, sa Kanyang Kabanalan Patriarch +Dr. John Florentine L. Teruel, P.P. ay nagbibigay ng mataas na debosyon kay Maria dahil sa kakaibang kagampanan ng pagliligtas ng kanyang anak na si Hesus.
Mga magulang ko’t mga kapatid si Maria po ay hindi pang-karaniwang Ina. Sa kapanganakan ng sanggol na manunubos, ay nakipagkasundo ang Diyos kay Jose at Maria para sa pagkakatawang tao nito. At winika ng ating Mahal na Birhen Maria “Fiat” o “Maganap nawa sa akin ayon sa iyong Kalooban”, itong batang babae ng Judea ay isinuko ang kanyang sarili para sa Plano ng Diyos. Kung si Abraham ay naging ama ng mga bansa dahil sa kanyang buong pusong pagsuko at pananampalatay sa Diyos. Dito si Maria dahil sa kanyang buong-buong pagsuko ng kanyang sarili sa Diyos at ganun din sa kanyang hindi maipaliwanag na pananampalataya sa Diyos, si Maria ay naging INA ng Bagong Kaharian.
Sa simula’t simula si Maria po pinaka-mahalaga sa atin alalaumbagay Siya ang hindi mapapantayang regalo na pinag-kaloob sa atin, sa mga huling oras nang pag-kamatay ng ating panginoong Hesukisto, sa krus bago siya namatay, si Maria ay inihabilin niya sa atin, kanyang winika “Behold your mother” (Jn. 19:22). Mga magulang ko’t mga kapatid hindi lang siya naging Ina ni Juan kundi nating lahat, na nagkaroon ng pamimintuho’t pagmamahal sa Mahal na Birhen Maria ang Ina ng Diyos .
Sumakatuwid ang Mahal na Birhen Maria ay Ina ng lahat ng mga bansa, siya’y Ina ng simbahang tinatag ng ating panginoong Hesukristo ang One Holy Apostolic and Catholic Church, at Sa panahon ng Espiritu Santo ang ikatlong persona ng Diyos na nagpatawag sa mababang pangalang Mahal na Ingkong ay kanyang itinatag ang nag-iisang simbahang Apostolic Catholic Church na may markang One Holy Apostolic and Catholic Church sa pamamagitan ng ating Mahal na Patriyarka, sa Kanyang Kabanalan Patriarch Dr. +John Florentine L. Teruel, P.P. siya’y ipinakilala muli sa atin at itinuro ang tama pagdedebosyon, tamang paggalang, pagpapasakop at tamang aral sa Mahal na Birhen Maria.
Sa kalagayan ni Hesus ang kanyang laman at dugo ay nagmula kay Maria. Kung si Eva ay nanggaling sa laman o tagdyang ni Adan ayon sa banal na kasulatan nang nakita ni Adan ang kanyang kauri siya’y nag-wika “buto ng aking buto at laman ng aking laman” mababasa po natin yan sa unang libro ng Banal na Kasulatan Gen. 2:23. Dito kay Maria at Hesus ay pinatibay po mga magulang ko’t mga kapatid ang winiwika ni Hesus na “laman ng aking laman, buto ng aking buto”, samakatuwid ang laman ni Hesus ay nagmula sa laman ni Maria, at ang dugo ni Hesus ay nagmula sa dugo ni Maria, sa maikling salita si Maria ay ang mysteryong katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo.
“Tayong mga katoliko ay mahal na mahal natin ang Mahal na Birhen Maria” di po ba. Pero hindi natin kayang mahalin si Maria gaya ng pag-mamahal ni Hesus sa Kanya. Ang Mahal na Kataas-taasang Diyos ay sinubaybayan si Maria sa loob ng 30 taon, at naging bahagi si Maria sa paghihirap ni Hesus sa kalbaryo. Magpasahanggang ngayon si Maria ay dumating na nagmula sa langit para gabayan ang kanyang mga anak oras-oras. Ang unang milagro ni Hesus ay nangyari dahil sa kanyang pinaka-espesyal na Ina, hindi pa napapanahon para gawin ni Hesus ang mga bagay na iyon sa kasalan sa cana pero dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang pinaka-mamahal na Ina siya’y sumunod at ginawa niya ang pinag-uutos nito. Ang laging sinasabi ng Mahal na Inang Birheng Maria at nasusulat sa banal na kasulatan “Do what he tells you to do” o “Sundin ninyo anuman ang kanyang ipag-uutos” (Jn. 2:5).
Sa Pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento