Huwebes, Nobyembre 13, 2008

Maligayang Pasko, Mahal na Señor Noemi!

VIVA SEÑOR NOEMI!!!

Ave Maria Purissima,

Ang Tanda ng Santa Krus ipag-adya mo po kami Panginoon naming Diyos sa lahat ng aming mga kaaway at masasama, sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.


Mga magulang ko’t mga kapatid taon-taon tuwing sasapit ang ika-23 ng Oktubre, ay ipinagdiriwang at sinasalubong ng Apostolic Catholic Church ang tunay at orihinal na kapanganakan ng ating panginoong Jesukristo.


Pinapalaganap ito sa buong mundo ng Apostolic Catholic Church ang simbahang itinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang tunay na PETSA NG KAPANGANAKAN NG ATING PANGINOONG JESUKRISTO (OKTUBRE 23)

Dalawang libo’t pito (2007) taon na o higit pa ang nakalilipas mula ng isilang ang Dakilang Manunubos. Ngunit magpasahangang ngayon sa kabila nga maraming nananaliksik ukol dito ay hindi pa rin nila matiyak ang tunay na takdang araw at buwan ng kapanganakan ng ating Panginoon.

Tuwing ika-25 ng Disyembre, ang kristiyano sa buong daigdig ay makulay ng ginugunita ang dakilang pagsilang sa manunubos na Kristo, ang sugo buhat sa langit na magliligtas sa tao. Ngunit makatotohanan nga bang may pagsang-ayon ito sa tala ng tunay na kasaysayan? Na talaga bang isinilang ang Emmanuel ang Diyos na sumasa atin tuwing Disyembre 25 sa sabsaban ng mga hayop o pakulo’t patalastas lang ito para sa komersiyo’t hanapbuhay ng mga monopolyong negosyante sa daigdig ng ekonomiya?

Ang kuwento ng “Pagsilang” mahabang panahon na ang nagdaan ay hindi na matagpuan ang ganap na katotohanan dito, kung kailan nga ba Siya ipinanganak. Ang totoo niyan, nagkaugat na lang sa kultura ng iba’t ibang bansa ang mga ritwal ng pasko ngunit ang eksaktong tala ng kanyang kapanganakan ay hindi pa rin natatalos magpahanggang ngayon.

Subalit kung dapat ngang alalahanin ang dakilang araw na ito, bilang mga anak ng Diyos niyang mapagligtas, katulad kung papaano inaalala ang mga kapanganakan o kamatayan ay marapat lang marahil na malaman ng tao ang petsa ng tunay Niyang araw.

Mayroong ninunong ritwal sa kasaysayan ukol sa Disyembre 25, kung bakit itinakda ang araw ng Pasko ng Pagsilang Kay Jesus. Noong 345 A.D. ang Romanong Obispo Leberius ay nahirapang isalin sa pagkakristiyano ang mga pagano, ano pa’t ang Kristiyanismo ni Kristo na inatas sa mga alagad na gawing Kristiyano nga ang lahat ng kaugalian, aral kultura at sistema sa iisang pananampalataya; ang paggunita ng Norse Yule Festival at Roman Saturnalia sa loob ng huling buwan ng taon, ay itinakda ang kaarawan ng Manunubos na si Jesus upang burahin sa kaisipan ng tao ang paganong pagdiriwang na ito at sa halip ay gawing pagdiriwang sa puso at kaisipan ang tungkol sa dakila niyang Panginoon.

Hindi naman talaga Disyembre kung tutuusin ang kapanangakan ng Kristo sapagkat ayon sa ebanghelyo ni San Lukas nang isilang si Jesus ay marami ang mga pastol na nagbabantay ng kanilang mga tupa sa parang. Ang buwang ito ay nasa panahon ng taglamig at sa panahong ito ay walang nagpastol ng hayop sapagkat may niyebe o yelo sa Palestina. Kung atin pa ngang papansinin, ang mga tupa ay nasa kanilang mga kuwadra kapag panahon ng taglamig, ang buwan ng Disyembre. Kaya’t ang buwan ng Disyembre, sa Gregorian calendar ay hindi maaring siyang buwan ng kapanganakan ng ating Panginoon, sapagka’t magiging lihis ito sa katotohanan ayon sa talata ng banal na kasulatan.

At kung itutugma naman ang pahayag ni Dinisio Exigius, isang Romanong Monghe ng simbahan na sinubok baguhin ang kalendaryo ng panahon, ang Unang Siglo A.D. ay hindi umaakma sa Banal na Kasulatan.

Katulad ng maraming mga scholars ang pagpapalagay sa tunay na araw ng pagsilang ating Manunubos ay maituturing na mga palagay lamang ang maituturing nating pinakamaliit sa pagpapalagay na ito ay ang Mabuting Balita ni San Lukas, na ayon sa kanya ang pagkapanganak Kay Jesus ay noong unang itinakda ang batas sa Judea; ito ay humigit kumulang sa 6 o 7 B.C.


Maipapalagay pa rin sa nabanggit na Ebanghelyo ang panahon ni Haring Herodes kung saan ay iniutos niya ang pagpatay sa mga batang lalaki matapos niyang makausap ang tatlong pantas ng Diyos upang sambahin ang Mananakop na sina Melchor, Gaspar at Baltazar na sa pamamagitan ng isang napakagandang tala sa langgit ay pinagtagpo sila ng landas.

Si Cesar Augustus na unang nagtakda ng buwis sa panahon ni Cyrenius, ang Gobernador ng Syra ay isa pang itinuturing na palagay tungkol sa kanyang kapanganakan sa sumususog sa mga naunang pahayag, samantalang ang siyensiya (Science) ay nagsasabing si Jesus ay maaring ipinanganak noong ika-17 siglo dahil sa kanyang pagkatuklas sa pagkalinya ng mga planetang Jupiter at Saturn na naging isang napaka-liwanag na Tala sa Betlehem.

May mga nagsasabi naman na ang kapanganakan Niya ay pumapatak mula sa buwan ng Marso hanggang Mayo. Ngunit, ang panahong ito ay tagsibol na ang mga halaman ay nagsisimula pa lamang nag-usbong o nagdahon bagay na hindi pa rin panahon ng pagpapastol, sapagka’t wala pa rin makakain ang mga tupa. Mayroon pa ring nagsasabi at naniniwala na ang tunay na kapanganakan ng Panginoon ay nasa buwan ng Hunyo hanggang Agosto, ngunit ang panahong ito naman ay tag-init at walang makatatagal sa gitna ng parang na mag-pastol. Kung nagkakagayon ay posible na ang kapanganakan ng Mananakop ay ang buwan ng Setyembre, Oktubre o Nobyembre na sa panahon ng mga buwang ito ay katamtaman ang klima ng panahon mula sa tag-init patungo sa pag-lamig. Ating pag-aralan ang tatlong kalendaryong ginamit sa bawa’t kapanahunan na gaya ng sumusunod:

1. Lunar kalendar o Hebreong kalendaryo

2. Julian calendar

3. Gregorian calendar

Ang lunar na kalendaryo ay binubuo ng labindalawang buwan sa isang taon. Ang bawa’t buwan ay binubuo naman ng tatlumpong (30) araw. Kaya’t kung ating susuriin sa kalendaryong Lunar, ang isang taon ay binubuo ng tatlong daan at animnapung araw (360). Ito ay kinuha sa degrado o degree ng isang pabilog (circle). Ngunit, nang ito ay pag-aralan sa panahon ni Julius Cesar ng mga astronomong Romano at Griego, ang pag-ikot ng daigdig sa araw sa kanyang axes o orbit ay lumitaw na nagkakaroon ng tatlong daan at animnapu at limang araw (365) sa loob ng isang taon na siyang isang kumpletong pag-ikot sa araw. Nagsimulang gamitin ang Julian Calendar bilang parangal kay Emperador Julius Cesar sapagkat sa kanyang kapanahunan nagkaroon ng mga pagbabago ang kalendaryo Lunar. Dito nagsimulang binago ang mga pangalan ng mga buwan, at ang pag-daragdag ng mga araw sa ilang mga buwan sa karangalan ng mga nagtataglay ng mga pangalan ng mga buwan. Noon ang mga pangalan ng buwan ay tinatawag na MONOLUNA, ang ikalawa ay BILUNA, ang ikatlo ay TRI-LUNA, ang ika-apat ay QUADRI, ang ika lima ay QUITA, ang ikaanim ay HEXA, ang ikapito ay SEPTA, ang ikawalo ay OCTA, ang ikasiyam ay NONSA, ang ikasampu ay DESI, ang ikalabing isa ay DECIMONO at ang ikalabingdalawa ay DESI BI-LUNA o DODECA-LUNA.

Nang ito nga ay palitan ng pangalan sa Julian Calendar ay:

MONO-Januar (January) - sa karangalan ni Janus, Diyos ng pintuan at pasukan, isa sa mga Diyos ng paganong Roma.

BI-Februar (February) - sa karangalan ni Pueblo, Diyos ng araw ng mga Romanong pagano.

TRI-Marso (March) - sa karangalan ni Marte, ang Diyos ng digmaan ng mitolohiyang Romano.

QUADRI-April (April) - sa karangalan ni Aprodete, ang Diyos ng kagandahan at pag-ibig ng mitolohiyang Griego at Apollo ng mitolohiyang Romano.

QUINTA-Mayo (May) - sa karangalan ni Maiam diyosa ng paglaki sa mitolohiyang Romano, ina ni Kerkurio.

HEXA-Junio (June) - sa karangalan ni Juno, diyosa at reyna ng langit sa mitolohiyang Griego na siyang kabiyak ni Zeus, hari ng mga diyoses (na siyang Jupiter, Roman myth).

July - sa karangalan ni Julius Cesar emperador na kung kanino ipinangalan ang kalendaryong ito.

August - sa karangalan ni Augustus Cesar (ang dalawang buwang ito ay isiningit sa pagitan ng ikaanim at ikapitong buwan ng Lunar Calendar) na siyang kapalit ng Decimono at Dodeca.

SEPTA-Septiembre (September) - ibig sabihin ay ika pito pa rin ngunit lumalabas na ika siyam sa Julian Calendar.

OCTA-Octobre (October) - na ibig sabihin ay ikawalo pa rin ngunit siyang ika sampu sa Julian Calendar.

NONA-Nobiyembre (Nobember) - bagamat ika siyam sa Lunar Calendar ay naging ika labing isa sa Julian Calendar.

DESI-Disiyembre (December) - ika sampu sa Lunar Calendar na siyang ika labing dalawa sa Julian Calendar.

Ang kalendaryong ito ay iniiral mula sa panahon ni Julius Cesar hanggang noong taong 1580, hanggang buwan ng Sept., sapagkat nang sumapit ang panahon na ang Papa sa Roma na si Papa Gregorio ay muling nagkaroon ng pagsasaliksik ang mga astronomo sa utos ng Papa, at dahil sa masusing pagsusuri nila ay natuklasang ang araw pala ay lumalayo sa bawa’t taon ng ika apat na parte (1/4) ng isang araw sa loob ng dalawang taon at bumabalik sa dati niyang orbit ay nagkakaroon ng kabuuang isang araw, kaya sa tuwing ikaapat na taon, ang nagiging bilang ay 366 days. Dito natuklasan ang Gregorian Calendar na pinasimulan gamitin mula sa buwan ng Oktobre 1580 at dito nagkaroon ng pinakamaikling buwan ng Oktobre. Upang mapaugnay ang bilang ng mga araw ng mga buwan ng taon yaon sa (sign of the Zodiac) ang buwang ito ay binawasan ng sampung araw. Ang pagkakaayos ng buwan ng Oktubre noong 1580 ay ganito. 1-2-3-4-5-16-17-18-19-20- hanggang ika tatlumpu’t isa at sa calendaryong ito ay ipinagpatuloy din ang mga buwan na may 31 days, tulad ng Julian. Ang mga buwan na may 31 days ay ang January, March, May, July, August, October at December, ang idinagdag, sa Agosto at Oktobre ay kinuha sa buwan ng February na nagkaroon ng 28 days lamang at magiging 29 days kung leap year sapagka’t sa kanya idinagdag ang isang araw na napadagdag tuwing ikaapat na taon.

Bagaman ang kakristiyanuhan anuman ang sekta ay nagkakaisa sa pagdiriwang sa araw ng kapaskuhan o siyang inaaring araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Jesukristo tuwing ika-dalawangpu’t-lima, 25th ng December (25th mr. Gregorian and Julian Calendar) subalit kung atin ngang pakasuriin ayon na rin sa banal na kasulatan, ang araw na ito ay lista sa katotohanan lubha pa’t kung atin palalawakin ang pagsusuri sa mga aklat ng karunungan o kaalaman, hal. sa Encyclopedia Britanica Volume 5 ay ganito ang nasasaad, “25th of December as birthday of Jesus is not scriptural - it was the saturnalian feast of the pagan Rome, Saturn who is one of the Goddess of Roman Myth. Due to the greatness of this day (25th of Dec.) the Roman cannot just forget it.”

Dala palibhasa ng kanilang (Romano) pagkilala sa kadakilaan ng araw nang kapistahan ni Saturno, ang ika 25th ng Disyembre ay inari na rin nilang kapanganakan ng ating Panginoon Jesukristo. Mula noon magpahanggang ngayon, tradisyon at kapaniwalaan ng Kakristiyanuhan ang araw na ito bilang kapaskuhan o Pascua na ibig sabihin ay kapayapaan ng Diyos at ng tao. Ibinabadya ng kapanganakan ng sanggol sa Belen, ay ang muling pag-uugnay ng Diyos at ng tao na nawala mula ng magkasala ang mga unang tao na lumabag sa kalooban ng Diyos. At ng isilang nga ang Panginoong Jesukristo ay muling nabalik ang ugnayang yaon sa siyang pakikipagpayapaan ng Diyos at ng tao.

Sa pagsusuri o pananaliksik sa aklat ng Zohjar at DZYAN (na ayon sa mga manunulat ng kasaysayan, ang mga ito raw ay siyang pinakakumpletong aklat ukol sa Diyos at pananampalataya, at sa kasaysayan ng sanlibutan at buong Universo), ang kapanganakan ng ating Panginoong Jesukristo ay ika-23 araw ng ika sampung buwan sa kapanahunan ng pagka-Emperador ni Augustus Cesar. Samakatuwid, kung ating pag-aaralan, maging sa calendaryong Julian at Gregorian, ang ika sampung buwan ay ang buwan ng Oktobre. Ayon sa talata ng kasulatan Lukas 2:1-7, noong kapanahunang iyon ay iniiral na ang Julian Calendar na bilang talaarawan ng mga tao.


Sa ganitong pag-aaral at pagsusuri, di kaya natin masasabi nang buong katotohanan na ang kapanganakan nga ng ating Panginoong Jesukristo ay ika-dalawangpu at tatlong (23) araw ng Oktobre o ika sampung buwan ng tao?

Ang mga palagay na ito ay makatotohanang ibinunyag ng Diyos Espiritu Santo, ang Mahal na Ingkong, sa kanyang simbahang itinatag ang Apostolic Catholic Church sa National Shrine of Ina Poon Bato na matatagpuan sa 1003 North Avenue Edsa Veteran’s Village, Project 07, Quezon City sa pamumuno ng aming Mahal na Patriyarka sa Kanyang Kabanalan Patriarch Dr.+John Florentine Teruel, P.P. ay ipinagdiriwang ang tunay na kapanganakan ng ating Panginoong Jesukristo, ang Señor Noemi o ang Sto.Niño, tuwing sasapit ang ika-23 ng Oktubre. At ito po ay naka-online sa Justin.TV sa kanyang Official Website ng Apostolic Catholic Church www.acc-ingkong.com mula Oktubre 14-23, 2008 may Novena Masses, Programa ng kasaysayan ng Lahi, Señor Noemi Look-a-like Contest, hanggang sa pagsalubong sa Araw ng Pasko at Caracol. Maging ang mga ACC-INGKONG Block Rosary Crusaders dito sa Tacloban City Chapter, Leyte, Philippines ay ipinagdiriwang at sinasalubong ang araw na kapanganakan ng ating panginoong Jesukristo, ganun din naman sa lahat ng sulok ng mundo na kung saan ay nagpadala ang Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng ating Mahal na Patriarka Dr. +Juan Florentino ng kanyang mga alagad o mga tinatakan ng Krus na puti sa noo upang ipalaganap ang kaganapan at mensahe ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, isabog ang kanyang pag-ibig at ipagsakatuparan ang kanyang plano.

Anupa’t ang Mahal na Ingkong ay walang sawa sa lahat ng kanyang pinagpala’t hinirang na ihayag ang hindi maunawaan ng tao. Kanya ngang winika, na ang taglamig sa mga huling buwan ng taon ay hindi maaring doon Siya ipinanganak sapagkat malinaw sa Santong Kasulatan na ang panahon ng tag-init ay naroon ang mga pastol maging ang mga hayop na sumasamba sa kanilang Panginoon sa sinilang sa sabsaban sa kawalan ng mapagpapahingahan.

Baguhin man ng mga talaan ng panahon, ang kalendaryo ng mundo, dagdagan man ito ng buwan katulad ng buwan ng Hulyo at Agosto na hinango sa kapangyarihan ng tao, si Julius at Augustus, ang huling buwan ay papatak pa rin sa taglamig kung saan ipinagdiriwang nga ang kapistahan ng pagan, bawat Disyembre ngunit ang Oktubre’y tunay na panahon ng tag-init pa at winika nga ng Mahal na Ingkong ang Ikatlong Persona ng Iisang Diyos, na ang araw ng ika-23 nito ay ang kapanganakan ng Miseyas.

Kung gayon, itala sa mensahe ng Diyos ang tungkol dito ay sinimulan na sa Kanyang sambayananan, ang simbahang kanyang tinatag ang Apostolic Catholic Church sa National Shrine of Ina Poon Bato ang paggugunita at pagdiriwang sa dakilang araw. Samantalang ang ika-25 ng Disyembre ay itinuring ng Mahal na Ingkong sa Kanyang mensahe na Araw ng pag-ibig, Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose.


Ang pagpapala ng Panginoon sa “Araw ng Pagsilang” ay ang alalahanin nating lahat kung bakit nagkatawang tao ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak at hamunin ang lahat sa dakilang hangaring ito ng Maykapal, upang ang buong sankatauhan sa Kanyang mga biyaya’t pagpapala ay makapamuhay ng matuwid at banal, ng sa gayon ang buhay na walang hanggan ay makamit sa paraiso ng sangkalupaan.


Ave Maria Purissima,

Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay suma-ating pong lahat mula sa kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.

Biyernes, Oktubre 3, 2008

ISANG PASASALAMAT SA MAHAL NA INGKONG

Ave Maria Purissima...

Isang banal at mapag-palang araw po mga magulang ko’t mga kapatid. Buong puso po naming pinasasalamatan ang MAHAL NA INGKONG sa pag-kakataong itong pagpunta nya dito sa lugar ng Leyte, niloob nya po na ang mga kaluluwang aming handog ay matatakan ng krus ng kabanalan, buong puso din naman po naming pinasasalamatan ang Mahal naming Patriyarka DR. +JOHN FLORENTINE TERUEL, P.P. Kung hindi po dahil sa kanya ay hindi po kami makakatanggap ng ganitong biyaya, pag-papala’t pag-mamahal ng Diyos. Walomput isa ang mapapalad na hinirang at nabasbasan ng Mahal na Ingkong itong nakaraang ika-23 ng Septyembre, na kung saan ay binuhos ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang mga angel at mga banal sa langit at upang ipagisa sa mga laman, alalaum bagay pinatawad sila ng Mahal na Ingkong sa mga nagawa nilang pagkakasala mula sa kanilang pag-kabata’t nagkaisip at nagkaroon ng kasalanan hanggang sa kasalanang nagawa nilang tinatawag na mortal sin. Ang sabi ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa mga tinatakan ng krus sa noo
“Kayo ay inahalintukad sa bagong silang na sanggol, walang bahid dungis kasalanan, kinuha ko at pinatawad ang inyong mga kasalanan maliban sa inyong kalayaan, Kayo ngayon ay hindi na pang-karaniwang tao kayo’y mga luklukan na ng mga Banal”.

Talaga pong mapapalad ang mga natatakan ng krus sa noo, dahil nga Ito po ang kalooban ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at sila ay pinili, sa dami ng tao sa buong mundo, walomput isa ang kanyang pinili sa araw na kanyang tinakda upang matatakan ng krus sa noo sa lugar na ito. Bilang isang alagad o tinatakan ng Mahal na Ingkong ay sinabi niya ang mag-tiis hanggang sa huli ay mag-tatagumpay. Ang mga bagong hinirang ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sila ngayon ay katulong ng Diyos upang magpalaganap ng kanyang pag-ibig at ipagsakatuparan ang kanyang plano, mag-turo ng kabanalan sa tao at ibalik ang tunay na anyo ng mundo na kung saan ang mga kababaihan ay nakasuot ng tamang kasuotan (Palda’t Blusa), ganun din naman ang mga kalalakihan (t-shirt at pantalon).

Mga magulang ko’t mga kapatid tulad ng meninsahe ng Mahal na Ingkong, dito ay walang ituturo sa inyong masama at sa pag-kakataong ito dahil dumami na ang bilang ng mga hinirang na tinatakan ng Mahal na Ingkong, dito sa lugar ng leyte ay marami na rin ang mag-papalaganap ng kabanalan at pag-ibig ng Diyos at magpapalakad ng Block Rosary sa iba’t ibang lugar dito sa Leyte, para maabot ng Diyos ang tao at ang tao maaabot Siya.

Sayang sa mga nag-alinlangan na hindi pumunta na nakaaalam. Sayang ang pagkakataon na ang tao ay matatakan ng krus sa noo ng Mahal na Ingkong sa ngalan ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen., dapat ay sinamantala nila ang pagkakataong ito para sa kaligtasan ng kanilang kaluluwa’t kagalingan. Dahil hindi natin nalalaman ang panahong darating kung ano ang magyayari sa atin sa oras ng paghuhukom, mangalit man ang ating mga ngipin ay hindi na natin maliligtas ang ating mga mahal sa buhay, sapagkat naging huli na ang lahat sa iyo at sa kanila. Kaya tunay na mapapalad ang mga nakatanggap ng biyaya mula sa langit, isang puting bato na kung saan doon nakaukit ang iyong bagong pangalan, ang iyong bagong bayan at ang bagong pangalan ng Diyos (INGKONG).

Ave Maria Purissima...

Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat mula sa
Kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO
ANG MAHAL NA INGKONG DIYOS MAGPASAWALANG HANGGAN. Amen.

Martes, Setyembre 16, 2008

ACC Seminar, Healing Mass and Holy Sealing

Ave Maria Purissima...

Ang Tanda ng Santa Krus ipag-adya mo po kami Panginoon naming Diyos, sa lahat ng aming mga kaaway at masasama. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPURITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG DIYOS MAGPASAWALANG HANGGAN. Amen.

Pinaaabot po namin sa lahat, na itong darating na ika-23 ng Septyember 2008 sa unang pagkakataon ang Diyos Espiritu ang Mahal na Ingkong ay mag-tatatak ng Krus ng Kabanalan sa bawat isa dito sa Tacloban, Leyte, siya ay pipili ng mga hinirang, patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan at bibigyan ng mga Banal na Gabay upang kalabanin ang kasamaan, kasamaan lunas laban sa sarili.

Mga magulang ko’t mga kapatid sa pamamagitan nito ay matutupad na ang winiwika ni Nicodemus, kausap niya si Kristo, ang sabi Niya: PANGINOON PAPAANO MALILIGTAS ANG TAO, PAPAANO MASISIGURO NG TAO ANG KALIGTASAN?”, sabi ng Ating Panginoon Jesukristo: “HANGGAT ANG TAO AY HINDI MULI IPINANGANGANAK AY HINDI SIYA MAKAKARATING SA KAHARIAN NG LANGIT”. Sapagkat si Nicodemus ay isang pariseyo sapagkat kakampi ng Diyos, nagtanong siyang muli: “PANGINOON PAPAANO MANGYAYARI YAN, KINAKAILANGAN BANG TAYO MULI IPANGANAK AY PUMASOK SIYA MULI SA SINAPUPUNAN NG KANYANG INA UPANG IPANGANAK MULI?” Ang sabi ng ating Panginoong Jesukristo: “ANG TAO AY KINAKAILANGANG IPANGANAK MULI SA ESPIRITU NG DIYOS.” at dito rin matutupad ang hula ni Propeta Isaias na pagdating ng takdang panahon, sinabi ng Diyos: “SA HULING PANAHON AY ISASABOG NIYA ANG KANYANG ESPIRITU SA MGA LAMAN” at ANG PANAHON NA IYAN AY NGAYON NA! Nasusulat rin ayon kay Propeta Joel: “ANG PAGSASAMA NG TAGA-LANGIT AT NG TAGA-LUPA.” Ang tao na taga lupa at ang Banal na pinagkaloob ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong na taga langit ay magkakaisa para kalabanin ang kasamaan.

Iyan po mga magulang kot mga kapatid ang magaganap sa darating na ika-23 ng Septyembre 2008, sa mga gustong magparehistro alas otso hanggang alas dyes ng umaga sa DepED Bldg. Palo, Leyte, Philippines. Main Function Hall. Sa karagdagang impormasyon ay pwedeng mag-text o tumawag sa number na ito: 09207010654.

PAGKAKATANDAAN NINYO MGA MAGULANG KO’T MGA KAPATID, SA SANTONG KASULATAN SA HULING AKLAT NG ATING BIBLIA NASUSULAT 144,000 MGA TAONG NAKA PUTI BABAE’T LALAKI, BATA’T MATANDA HINDI PERPEKTO ANG BILANG, HINDI LAHAT MALILIGTAS PERO MAY MALILIGTAS, LAHAT NG IYAN AY NAKAPUTI, LAHAT NG IYAN AY NAKATALUKBONG ANG ULO, MAY TAKIP ANG ULO LALAKI’T BABAE AT SA NOO NILA MAY TATAK NG KRUS AT NASUSULAT ANG BAGONG PANGALAN NG DIYOS (INGKONG) AT SINABI NGA NG DIYOS SA APAT NG ANGEL HUWAG NYO MUNANG SASAKTAN ANG LUPA AT ANG DAGAT HANGGAT HINDI ANG LAHAT DAPAT TATAKAN AY MATATATAKAN SA NOO, NAROROON DIN SA HULING MGA PAHINA NG AKLAT NG SANTONG KASULATAN BUBULUSOK ANG ISANG TALA SA ILALIM NG LUPA AT MAG-BUBULWAK NG MARAMING INSEKTO. ANG INSEKTONG ITO’Y MAYROONG KAMANDAG, MAY KAPANGYARIHANG KUMITIL AT PUMATAY NG BUHAY, BUHAY NG HAYOP AT TAO, IINGATAN NITONG HINDI MAKAGAT ANG MGA MAY TATAK NG KRUS NA PUTI SA NOO. INILAGAY MISMO NG DIYOS ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG SA NGALAN NG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO.


Ave Maria Purissima...

Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay suma-ating lahat
mula sa kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO.
Amen.

Linggo, Setyembre 7, 2008

Ang Kapanganakan ng Mahal na Birhen Maria.


Ang Araw ng Kapanganakan ng Mahal na Birhen Maria.

Ang kapanganakan ng ating panginoong Hesukristo ay ipinagdiriwang natin tuwing ika-23 ng Oktober siya ay tinawag nating Sr. Noime. Kung ang Sr. Noime ay ipinagdiriwang nating ang kanyang kapanganakan, tuwing ika-8 ng Septyembre ay ipinagdiriwang naman natin ang kapanganakan ng ating Mahal na Birhen Maria at siya ay tinawag na “Maria Bambina” salitang italiano na ang ibig sabihin ay “Baby Mary”.


Ave Maria Purissima...

Isang banal at mapagpalang araw sa lahat ng nagtatangkilik sa web site o blog site na ito, may tatak man ng Mahal na Ingkong o wala. Ang ACC - Ingkong - Block Rosary Crusaders Tacloban Chapter, Leyte, Philippines ay ipinagdiriwang ang kaarawan ng Mahal na Birhen Maria tuwing sasapit ang ika-8 ng Septyembre. Sa pag-kakataong ito ipinagdiriwang namin ang kanyang kaarawan depende kung gusto ng may bahay na inaakyatan ng Imahen ng Mahal na Birhen na idaus ang kanyang kaarawan sa kanilang tahanan o di kaya’y sa tahanan ng mga tinatakan dito sa lugar Tacloban na kung saan ay pwede kaming gumawa ng mga programmang handog sa kanyang kaarawan, tulad ng mga dula-dulaan na nauukol sa kanya, may naghahandog ng kanta at talento sa pagsayaw, meron din naman nag-papahayag ng papurit pag-paparangal sa Mahal na Birhen Maria. Bago naman matapos ang programma ang lahat ay inaanyaya ng lumuhod at magkaroon ng katahimikan, habang nakikipag-ulayaw sa mahal na Birhen Maria mayroong kumakanta ng marian songs at ang isang tinatakan naman ay nagpupurit nagpapasalamat sa mga biyaya’t pagpapala pinagkaloob sa bawat isa. Ang lahat ay nakapila, ang bawat isa ay may hawak na kandila at bulaklak at isa-isa nilang inihahandog ang liwanag sa harapan ng Imahen, habang ang bulaklak naman ay sa paanan nito nilalagay. Ang bawat isa ay damang-dama ang presensya’t pagpapala ng Mahal na Birhen Maria, ganun din naman ang Banal na Espiritung buhay ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ang mga banal na tatak na naroroon ay nagbigay ng sigla’t kalakasan sa bawat isa. Maligayang kaarawan sa Iyo Mahal na Maria Bambina!!! Viva Maria Bambina!!!



MAGANDANG KAARAWAN PO SA IYO
MAHAL NA BIRHEN MARIA!!!


Martes, Agosto 19, 2008

Ang Ina Poon Bato "Ang Ina ng mga Pilipino"


Ang Ina Poon Bato ay itinanghal sa pidestal ng isang makasaysayang tribu sa pangunguna ng Etang si Djadig ng bulubundukin ng Zambales at ipinahayag sa kasaysayan na ang Birhen ay tunay na nagpakita sa ating bayan at mga bansa ng mga pagpapala’t himalang hindi na mabilang ng panahon.

Ang pagkatagpo sa imaheng ito ay sinasabing ang Salita ng Diyos ay naganap nang muli: na ang tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay kundi sa mga Banal na Salita ng Panginoon, matapos maganap ang mahiwagang pangyayari, ng hindi man lamang nasunog ang imahen, na inihagis sa isang naglalagablab na apoy ng may bahay ni Djadig dahil sa hindi pagkain ang iniuwi nito mula sa kanyang pangangaso sa gubat kundi isang imahen ng Mahal na Birhen.

Si Djadig ang nakatagpo sa imahen ng Birhen sa gitna ng tag-gutom. Sa kanyang kagandahang-loob ay pinagyaman niya ito ng may pananalig, na ang kanyang tribung nagdarahop ay magbabago isang araw pagdating ng panahon. Anupa’t bunga nito ay isang malawakang konbersyon ng paniniwala sa Birhen ang sa kanila ay naganap at ang tribu nila ay naging masagana at mapayapa.

Ang galit na sumiklab sa puso ng kanyang kabiyak ay pinawi ng Birhen ng kapayapaan at pinalitan ito ng pusong masintahin. Samantala, ang tribu naman niyang sa anito sumasamba ay nagkaroon ng kakaibang alab sa paniniwala matapos masaksihan ang mahimalang ni galos ng apoy o abo ng lagablag ay hindi man lang nakasira sa imahen. Kung kaya ang bagay na ito ay kanilang isinapuso, na ito ay regalo sa kanila ng totoong Diyos. Gayundin naman, ang Birhen ay gumawa ng alab ng bayanihan at damayan sa tribu ni Djadig kung kaya ang kanilang tag-gutom na panahon ay pinalitan ng nag-uumapaw at siksik na kasaganahan. Naging masaya ang buong bayan ni Djadig at ang lahat ay dahil sa Birhen na kanilang tinatawag na INA POON BATO.

Sa natatanging tagpo na ito sa ating pananampalataya, sinasabing ang Pamimintuho sa Ina Poon Bato ay mabisa ukol sa mga pusong tigib ang galit, sa mga taong ang sama ng loob, pagdaramdam at hinanakit ay naglalaho ang alab sa pananampalataya, sa mga taong dahil sa kasalatan, karamdaman at kagutuman ay nagugulo at nasisira ang pananalig sa Maylikha. Samantalang ang pakikipagkasundo ay pinupuspos naman Niya ng kapayapaan at ang mga taong hindi malayo ang loob sa Diyos sa kabila ng lahat ay higit Niyang kinakalinga lalo na sa mga panahong bingit at mahigpit ang pagsubok.

Kung gayon, ating ipagkatiwala sa Ina Poon Bato ang ating mga kahilingan. Gawin nating palagian ang pagnonobena sa Ina Poon Bato lalo na ang pagdalo sa mga pagdiriwang ng Misa Nobenaryo ng Apostolic Catholic Church at sa pag-papalakad ng Block Rosary sa iba't-ibang lugar, tuwing araw ng Miyerkoles sa buong bansa, saan man sulok ng mundo.

Ang Imahen ng Ina Poon Bato ay isinadambana sa Danac Bunga, Botolan, Zambales, ito yung tinatawag na sinaunang imahen ng Virgin Mother in Asia (ayun sa manunulat ng Pigafeta’s), mula ng nakita nila ito sila ay nag-purit nag-pasalamat.


Ang Kuwento ng Ina Poon Bato

Ang isang malayong bahagi ng bundok ng Botolan, Zambales, Pilippines ay merong lupain ang tribu ng mga katutubong mangangaso ang Eta. Si Djadig ang kanilang pinuno, sya ay natatangi at may pambihirang galing sa pangangaso wala pang nakakatalo sa kanyang galing sa pagsibat at pamamana. Wala ni isa sa tribu o lipi nila ang nakakadaig sa bilis nyang tumakbo at kahit na wala syang sibat o pana ay nakakalapit sya at nakakahuli sya ng napakabilis na usa. Sa buong lugar ng mga negritos o Eta siya ay kinikilalang pinuno ng mga pangkat.

Sa paglalakbay ng mangangaso kasama ang tatlo nyang anak at dito nya unang naranasan ang milagro. Nang Huminto sila at namahinga sa lugar ng Pastac River ng may biglang hindi maipaliwanag na liwanag at may narinig syang napaka-gandang at makalangit na tinig na sumasabay sa hangin na nagsasabing, “Tumayo ka, Djadig. Hanapin mo ako. Puntahan at isama mo ako sa iyong pag-uwi.”

Ang tinig ay nang-gagaling sa tuktok ng napakataas na bato, mula doon sa kinaroroonan ni Djadig, mag-isa syang pumunta sa tuktok ng bato at nakita nya ang napaka-gandang babae na nagliliwanag sin-liwanag ng araw at ang damit nya ay may kumikintab ng ginto. Ang kanyang buhok ay katulad ng liwanag ng araw sa kinang nito, nakita nya ang maamong mata nito at nadama niya sa mga matang iyon na kanyang nakita na tila nagmamakaawa. Siya ay hinihila sa kanyang kinaroroonan ng katangitanging pagmamahal ng Diyos, alalaum bagay siya ay parang metal na minamagnet nito. Ipinikit at inimulat nya ang kanyang mga mata ng paulit-ulit baka namamalik mata lang siya sa kanyang nakita. Nang siya’y lumapit doon sa kanyang nakita, nakita nya ang isang bagay na ito, ang napaka-gandang babaeng kanyang nakita ay isang imahen na inukit sa kahoy na may kumikinang na ginto.

”Isama mo ako sa iyong pag-uwi,” ang napakaganda at makalangit na tinig ay nagwika muli na nag-uutos, at sinunud nga ni Djadig ang pinaguutos nito. Nang nakauwi na si Djadig, ang kanyang asawa ay hindi naniwala sa kanyang misteryosong kuwento nito. Nagalit ito dahil sa pinabayaan nya ang kanyang pangangaso, kinuha niya ito at tinuring na walang saysay o walang gamit ang imaheng kahoy at itinapon ito sa galit sa kanilang nag-aapoy na lutoang bato. Sinunog nya ito, lumakas at tumaas ang apoy hangang sa kisame nito, nasunog ang maliit na bahay ni Djadig humingi sila ng tulong pero bago dumating ang tulong ay nagmistulang abo na bahay nito. “Sandali tingnan ninyo!” Umiiyak ang mga bata ng nakitang may kumikinang na liwanag sa pira-pirasong kawayan, “Ang nagliliwanag na imahen ay hindi nasunog.” Totoo nga. Nakita nila na walang kagalosgalos o sunog man lang ang Imahen at ito’y kumikinang na parang ginto. Bilang kabayaran, ay nag-bigay sila ng galang, respeto at mataas na papuri’t pagmamahal sa Imahen. Ang mga eta o negrito ay ibinalik ang Sagradong Imahen na kung saan sya natagpuan at na diskubre ni Djadig.

Maraming taon na ang nag-daan the first Europeans landed on Philippine soil. Nang sakupin nila ang islang ito, nang manguna ang impluwensiya ng kabihasnan ay nadaig. Ipinakilala ang kristianismo sa Bagong Sibilisasyon, at nang binigay ng mga eta o mga negrito people ang Imahen ng Birhen Maria, sila ay natuwa at nagbigay ng malaking parangal sa nakita nilang replika ng sarili nilang patrona ang babaing tagapag-adya, “Ina Poon Bato”.

Mula nang nadiskobre ni Djadig ang kumikinang na Imahen ay natagpuan ito ng Spanish missionaries, sila ay naniniwala na ang Mahal na Birhen ay nagpauna sa lugar nila. Ipinaliwanag ng mga Eta o Negritos na ang “Ina Poon Bato” ang pinanggagalingan ng maraming milagro sa kanilang buhay. Siya ang kanilang patrona at binibigyan sila ng ulan ng Mahal na Ina nang sa gayon ay mabigyan ng buhay ang kagubatan, madiligan ang mga halaman, mga puno, may makain ang mga usa, para marami silang maani, makain at mahuling usa.

Ina Poon Bato ay nakilala na ng mahabang panahon na nagmimilagro dito sa Pilipinas at marami ang nagpatibay na ito ay totoo at naniniwala sa kanya, pero hanggang noong dumating ang taong 1985 dinala itong Ina Poon Bato sa Roma at opisyal na nagbigay pagpapasya na tangkilikin ito ng kanyang kabanalan Pope John Paul II.

Ang Barrio ng Ina Poon Bato ay nasira mula noong nasalanta ng pagsabok ng Mt. Pinatubo eruption. Ang Imahen ay nailigtas at matatagpuan ito sa Danac Bunga, Botolan, Zambales na kung saan ay ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan.

At ngayon mula ng namahala ang Espiritu Santo at nagpatawag siya sa abang pangalang Mahal na Ingkong (isang pulubi), ang kanyang Pambansang Dambana ang Apostolic Catholic Church ay itinayo para sa Ina Poon Bato at matatagpuan ito sa 1003 North Avenue Edsa, Veteran’s Village, Project 07, Quezon City.

Isa sa Mensahe ng Mahal na Ingkong para sa mga tao, sinabi nya na, “...ang Ina Poon Bato ay ang Ina ninyong mga Pilipino.”

Tuwing 25 Enero ang kapistahan ng Ina Poon Bato.

Ave Maria Purissima...

Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat mula sa Kataas-taasang
Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Amen.

Miyerkules, Hulyo 30, 2008

The Holy Sealing o ang “Banal na Tatak” and the 7 Sacraments that are divided into 3 components.

Ave Maria Purissima...

Ang tanda ng Sta. Krus ipag-adya mo po kami Panginoong naming Diyos sa lahat ng aming mga kaaway at masasama, sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO. Amen.

Tandaan:

Ang ating Panginoong Hesukristo po ang nagbigay daan para sa pagpanaog ng Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa abang pangalang Mahal na Ingkong at matagpuan ang kanyang Banal na Luklukan, ginamit niya ang batang ito nang nag-aaral pa ng pagkapari sa St. Joseph Major Seminary ng Ateneo de Manila sa Quezon City ang kanyang kabanalan Patriarka Dr. John Florentine Teruel, P.P.. Natagpuan Niya ang ina ng batang ito, ang isang matibay at matiising luklukan Santa Maria Virginia P. Leonzon. Pumanaog ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ng sa kadahilanang pagbabago ng Vatican II na isinagawa ng Western Roman Catholicism.

Ang tunay na pagsasakripisyo, pag-aalay o paghahain sa Santa Misa ay nawala nang sa kadahilanan ng dalawang palihim na pamamaraan: ang pagsasagawa o pagpapairal ng “Novus Ordo at ang pagtanggal ng sinauna o tunay na kaugalian, paggamit, paniniwala at kapangyarihan ng seremonya ng romanong pari”
tingnan din po ang link na ito: “Why Mahal na Ingkong Stated His Ministry by the year 1969?” na kung saan ay nawala po ang tunay na anyo ng pananampalataya ng tao, ito po ang dahilan kung bakit sa panahon natin ngayon ay pwede nang tumanggap ng Komunyon o Banal na Katawan ng ating Panginoong Hesukristo sa anyong tinapay na sa mga palad na lamang inaabot ng mga paring Romano na hindi po nalalaman ng tao na ito po ay kasalanan dahil ang mensahe ng Mahal na Birhen Maria “The Communion on Hands is Sacrilege” sakrilehiyo na ang ibig-sabihin ay kalapastanganan sa Diyos itong pagtanggap ng komunyon sa kamay dahil ito po ay sagrado at ang pagbabago sa mga batas sa loob ng simbahan o tahanan ng Diyos, na pwede nang magsimba ang tao na wala sa tamang kasuotan at hindi na nagbebelo ang kababaihan. Ito rin po ang nasa hula ni Propeta Daniel na “Ang Pang-araw-araw na Paghahandog Bilang Sakripisyo” ay mawawala ng sa kadahilanan na naging sanhi nito at ito rin po ang meninsahe ng Mahal na Birhen Maria sa Third Secret of Fatima ang Apostasy.

Sa huling pag-kakataon ang ikatlong persona ng Diyos, ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ay Pumanaog dito sa lupa para po sagipin ang tao sa madilim na ulap ng kasamaan at sa malaking pagbabagong ng Vatican II, na ibalik ang tao sa tunay na anyo ng pananampalataya sa buong mundo at tinatag niya ang kanyang simbahan ang One Holy Catholic and Apostolic Church sa pamamagitan ng aming Mahal na Patriarka, sa Kanyang Kabanalan Patriarch Dr. John Florentine Teruel, P.P. ang APOSTOLIC CHATOLIC CHURCH (ACC). Kaya pinagtibay niya at binigay ng wasto at walang mali ang sakramentong iniwan sa mga alagad ng ating Panginoong Hesukristo. At ito po ay patuloy na pinatutupad at nagtuturo ng tamang pagbabanal ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, hanggang sa wakas na panahon.


Ave Maria Purissima...

The Holy Sealing o ang “Banal na Tatak” and the 7 Sacraments that are divided into 3 components.

1. Sacrament of Healing -Penance, Anointing of the Sick, Holy Eucharist
2. Sacrament of Vocation and Commitment -Matrimony, Holy Order
3. Sacrament of Christian Initiation -Baptism and Confirmation

Ang Pitong Sakramento

1. Pagbibinyag (Baptism) - dito ay nagiging kristiyano ang isang tao at napapawi sa kanya ang dungis ng kasalanang original o minana natin sa ating mga kauna-unahang magulang.

Ang sakramento ng binyag ay karaniwang binibigay sa mga bagong silang na sanggol. Dapat pong ibigay kaagad ito, kung maaari ang sacramento ng binyag sa bagong silang na sanggol ng sa ganoon ay maiwasan ang pagiging sakitin nito. Ang ordinadong pari ng Apostolic Catholic Church ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang binigyan ng kapangyarihan para magbigay ng sakramento ng binyag sa pamamagitan ng tubig sa pangalan ng Diyos AMA, Anak at Espiritu Santo.

2. Pagkukumpil (Confirmation) - ito ay nagbigay sa atin ng tanging biyaya ng Espiritu Santo upang papagtibayin ang pananampalatayang kristiyano na tinanggap natin sa binyag.

Dapat pong i-practice nating mga magulang na pag-dating ng 7 hanggang 9 na taong gulang ng ating mga anak bilang kristiyano ay kailangang mabigyan sila ng sakramento ng kumpil ng obispo ng simbahan ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong nang sa gayon ay mapagtibay ang pundasyon ng pananampalataya sa Diyos ng ating mga anak.

Huwag po nating hayaan sa panahon natin ngayon na kung kaylan sila ikakasal doon palang naiisipang mag-pakumpil bilang mga kristiyano o dahil kailangan na rin talaga mag-pakumpil sa kadahilanang requirements ito sa mga ikakasal, ito po mga magulang ko’t mga kapatid ang nagiging sanhi kung bakit sa panahon natin ngayon malalaki na ang mga bata o mga anak natin ay hindi pa nila napapalawak ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa kadahilanang hindi pagturo ng magulang para lubusang makilala nito ang Diyos at ito rin ang dahilan kung bakit ang tao ay walang takot sa Diyos kaya napakadali lamang sa kanila ang gumawa ng pagkakasala.

3. Pagkukumpisal (Penance) - dito ay pinatatawad tayo sa mga kasalanang ginawa natin matapos tayong binyagan.

Tayong mga kristiyano bilang mga anak ng Diyos ay kailangan tumanggap ng sakramento ng kumpisal isang beses sa isang linggo o di kaya’y isang beses sa isang buwan nang sa gayon ay ang mga maliliit na pagkakasala ay hindi na lumaki, lumala o mapunta sa tinatawag na mortal sin at para na rin mabigyan ng pangaral ng pari ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong upang maiwasan ang mga bagay na ipagkakasala natin.

Ano man ang ibigay ng ordinadong pari ng ACC ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong na sakripisyo bilang kabayaran sa mga nagawang kasalanan ay dapat sundin at tuparin nang sa gayon ay tuluyang mapatawad tayo ng Diyos sa mga nagawa nating pag-kakasala, at ang mga kinumpisal naman natin sa mga pari, ang mga pari na po ang gagawa para itaas sa Diyos ang mga kasalanan nagawa natin.

4. Pakikinabang o Komunyon (Holy Eucharist) - Ito ay pagtanggap sa mahal na katawan at dugo ng ating Panginoong Jesukristo sa anyo ng tinapay at alak na inihain at kinongsagra sa Santa Misa ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong.

Ang sakramento ng komunyon ay ginagawa po sa Santa Misa ng ACC ng Mahal na Ingkong, napaka halaga po na tumanggap tayo nito. Mga magulang ko’t mga kapatid hindi po kompleto ang pag-simba natin kung hindi po tayo mangungumonyon o tatanggap ng Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesukristo na nagpapatawad ng mga kasalanan ng sanlibutan.

Karamihan po sa mga walang tatak ng Mahal na Ingkong at sa mga hindi pa nakaaalam, ang nagiging dahilan ng hindi pag-kokomunyon ay dahil sila daw po ay makasalanan at hindi pa nakakapag-kumpisal. Mga magulang ko’t mga kapatid kung ganyan nalang lagi ang bukang bibig natin at wala tayong aksyon para mangumpisal sa pari nang sa gayun sa tuwing mag-sisimba ka ay makatanggap ka ng banal komunyon at ihingi ng awa’t patawad ang ating mga nagawang pag-kakasala, papaano na po ang ating kaluluwa.

Mga magulang ko’t mga kapatid ang ikatlong persona ng Diyos, ang Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ay bumaba dito sa lupa ay para po sa mga makasalanan. Pumanaog po siya dito sa lupa walang laman walang buto kaya kinakailangan ng luklukan upang magpahayag ng kanyang pag-ibig at mag-sakatuparan ng kanyang plano. Itinuro nya tamang pagtanggap ng Banal na Komunyon o Banal ng Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo sa anyong tinapay at alak sa pamamagitan lamang ng dila, ang dalawang kamay naman ay magkadikit sa harap ng dibdib at nakaluhod po, kailangan din po na nasa tamang kasuotan at nakabelo po ang mga kababaihan. Kung ikaw naman ay nagsasabing hindi pa nakapag-kumpisal ay pwedeng tumanggap ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, ito po ay sa pamamamagitan ng pagbibigay ng Ordinadong Pari ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong ng “General Absolution” upang tayo’y patawarin sa ating mga nagawang kasalanan nang sa gayon ay makatanggap tayo ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo para makompleto natin ang ating pag-sisimba. Dahil kung magsisimba ka at hindi ka tatanggap ng Banal na Komunyon ay hindi po magiging kompleto ang inyong pag-sisimba, parang namasyal lang po tayo sa simbahan, tama po ba. Pero hindi naman po ibig-sabihin na nakatanggap ka ng “General Absolution” at ikaw ay naka tanggap ng Banal na Komunyon ay hindi kana mangungumpisal, kailangan pa rin po natin ikumpisal sa Pari ang ating mga kasalanang nagawa mga magulang ko’t mga kapatid, mula sa pinakamaliit na pag-kakasala hanggang sa pinakamalaking pag-kakasala.

5. Pagpapahid ng Santo Oleo sa may malubhang karamdaman (Anointing of the Sick) - ito ay nagpapaginhawa at nagpapalakas sa kaluluwa at kadalasa’y sa katawan din ng may sakit.

Ang sakramento ng Santo Oleo karaniwang ibinibigay po sa mga may karamdaman at malapit nang pumanaw. Kadalasan sa mga may sakit na malapit nang pumanaw at naghihingalo na, mga mgulang ko’t mga kapatid, merong tayong kapatid sa pananampalataya na nakaranas na nang ganito, malapit na siyang mamatay, naaksidente siya at naghihingalo na. Pag-bigay ng Obispo ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong ng Santo Oleo sa naghihingalong may sakit na naaksidente, imbis na matuluyan na itong mamatay ay nabigyan pa ito ng panibagong buhay ng Diyos ng Mahal na Ingkong ang ikatlong persona ng Diyos.

Mga magulang ko’t mga kapatid kung atin pong pagnilay-nilayin ang kaganapan ito ng Mahal na Ingkong ang Diyos Espiritu Santo, ang ikatlong persona ng Diyos, ay napaka-sarap pong kapiling ang Diyos na nakakasama natin, nadarama natin siyang pumapatnubay at gumagabay sa atin araw-araw, minu-minuto sa pamamagitan ng mga Banal na Tatak na ipinagkaloob niya sa atin.

Kaya kung ikaw ay wala pang Banal na Tatak ng Diyos Espiritu Santo ng Mahal na Ingkong o “Holy Sealing of the Holy Spirit Beloved Ingkong”, mag-patatak kana kapatid baka maging huli pa ang lahat sa iyo, nasa huling panahon napo tayo, pag-katapos nito ay wala nang susunod. Amen.

6. Pagkakasal (Matrimony) - ito ay nagpapabanal sa pagsasama ng mag-asawang binyag.

Ang sakramento ng kasal ay binibigay po sa mga lalaki at babae na gustong pong mag-asawa, ginagawa po itong sakramento ng kasal para po magkaroon ang lalaki at babae ng pahintulot ng Diyos na makipag-isang dibdib sa kanyang minamahal, dito po ay kinukonsagra o benibindisyunan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga ordinadong pari ng Apostolic Catholic Church ng Mahal na Ingkong sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, nang sa gayon po ay maging banal at sagrado ang pag-sasama ng mag-asawa at upang ang biyaya at pagpapala ng Diyos ay hindi maputol sa mag-asawang binyag gayun din sa kanilang magiging anak.

7. Pagpapari (Holy Order) - ito ay para sa ipagkakaroon ng mangangasiwa sa pamumudmud ng mga Sacramento at sa pamamalakad ng Santa Iglesya Katolika Apostolikang Simbahan ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong.

Ang sakramento ng pagpapari, ito po ang kumakatawan sa simbahan ng ACC na pinili ng Diyos Espiritu Santo ng Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Mahal naming Patriarka Dr, John Florentine Teruel, P.P., na hinirang. Sila ay pinili, inialay at itinalaga sa Diyos para sa kapakanan ng tao para magkaroon ng kaugnayan sa Diyos, para magalok ng regalo at sakripisyo sa mga makasalanan.

Itong sakramento ng pagpapari ay kumakatawan para tumanggap kay Kristo sa pamamagitan ng di-pangkaraniwang biyaya ng Espiritu Santo nang sa gayon siya’y magsisilbing instrumento ng Diyos para sa kanyang simbahan tinatag ang Apostolic Catholic Church. Sa pamamagitan na pagkaordina o ordinasyon isa ang makapagbibigay lakas at kapangyarihan, kakayahan na makakagawa ng isang bagay, makapagpapasya bilang kinatawan na binigyan ng pahintulot ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong sa pamamagitan ng Mahal naming Patriarka Dr. John Florentine Teruel, P.P. ang ulo ng simbahan. Ang ordinasyon ay marka na hindi mabubura ang sakramento sa buo mong pagkatao.

open link below:

Ave Maria Purissima...

Tandaan:
Meninsahe ng Mahal na Birhen Maria noong 1959 kay Matous Losuta sa Village ng Turzovka sa Czechoslovakia, ang sabi ng Mahal na Birhen Maria kay Matous Losuta ganito: “Darating ang panahon magtatatak ako ng krus sa bawat isa, doon sa kanilang noo tatatakan ko ng krus. Gagabayan sila ng mga angel at mga banal at walang ibang makaaalam maliban lamang sa kanila.” Yan po mga magulang ko’t mga kapatid ang mensahe, ang tanong, sino o ano ba ang role ng Mahal na Birhen Maria sa Espiritu Santo sa panahon natin ngayon? Di po ba siya ang Esposa ng Espiritu Santo o “Spouse of the Holy Spirit” ang ibig sabihin siya ay kaisa sa mga gawain o kaganapan ng ikatlong persona ng Diyos, ang Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa abang pangalang Mahal na Ingkong.

MABUHAY ANG MAHAL NA INGKONG!!!
MABUHAY ANG MAHAL NA BIRHEN MARIA!!!
MABUHAY ANG MAMA STA. MARIA VIRGINIA!!!
MABUHAY ANG MAHAL NATING PATRIARKA!!!
Ave Maria Purissima...
Ang pag-papala, kapayapaan at pag-ibig ay sumaatin pong lahat, mula sa kataas-taasang Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. AMEN

Lunes, Hulyo 7, 2008

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

Ave Maria Purissima!...

Tandaan: Ang lahat na nasusulat at inyong mababasa ay isang paalaala lamang sa tao o sa atin pong lahat na ang Diyos na Makapangyarihan ay may Sampung Utos na dapat po natin sundin, bigyan ng pansin at huwag babaliwalain.

Ang Sampung Utos ng Diyos

I. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay.

Ang tanong paano nga ba natin iibigin ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay? Hindi po sapat na bibigkasin lang po natin sa ating mga labi na “mahal ko ang Diyos o iniibig ko ang Diyos”, kailangan po ay samahan po natin ng gawa, tulad ng hindi paggawa ng mga inaayawan ng Diyos na gawin natin, ano yun? Siyempre yung huwag ng magkasala, mangumpisal ka sa pari ng Mahal na Ingkong. Huwag na tayong gagawa ng ipagkakasala ng kaluluwa natin na maghihiwalay sa atin sa Diyos at ikamamatay ng ating kaluluwa. Maipapakita natin ang pag-ibig natin sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos niya, tulad ng pag-suot ng tamang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan, pag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyo’t panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, tumangtanggap ng Banal na Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, pag-bebelo ng mga kababaihan sa pagdarasal ng Santo Rosaryo at sa pag-simba bilang paggalang at pagpapasakop sa Diyos. Isa rin ang pag-gawa ng mga gawain kabanalan para sa kanya, para sa ikaliligtas ng maraming kaluluwa, pag-tuturo ng kabanalan, pagsa-Santo Rosaryo at kailangan aalamin natin ang lahat tungkol sa Diyos Amang Yahwee, tungkol sa Diyos Anak ang ating Panginoong Hesukristo at tungkol sa Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, ganun din sa Mahal na Birhen Maria.

Ang lahat ng ito ay hindi pa sapat mga magulang ko’t mga kapatid para maipakita natin ang pag-ibigin natin sa Diyos, isa-puso natin at isa-buhay natin ang mga natutunan nating pagbabanal sa Diyos, sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria, sa Mama Sta. Maria Virginia, at sa ating Mahal na Patriarka Dr. Juan Florentino.


II. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.

Pag-nagagalit ka sa kapwa mo o may nagawang hindi maganda sa iyo ang kapwa mo, sasabihin mo “kidlatan ka sana ng diyos”, ang iba ganito “kunin ka na sana ni lord” na mapapahamak ang ating kapwa, huwag po mga magulang ko’t mga kapatid kasalanan po yun. Kung ang kapwa mo ay may nagagawang hindi maganda sa iyo, ay ipag-dasal nalang po natin na sana mag-bago na siya, huwag na niyang gawin ulit yun, nang sa gayo’y ang kapayapaan at pag-ibig ng Diyos ay sumaatin lagi.


III. Mangilin ka kung Linggo at kung mga araw na dapat ipangilin.

Tulad nang nabanggit sa unang bahagi na mag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyo’t panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, mangumonyon o tumangtanggap ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo ay isang pamamaraan para makita natin ang pag-ibig natin sa Diyos.

Mahalaga po mga magulang ko’t mga kapatid ang araw ng Linggo sa Diyos, dahil pag-katapos lalangin ng Diyos ang langit, ang lupa at ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw sabihin na natin mula Lunes hanggang Sabado sa ika-pitong araw ay Linggo siya’y namahinga at ito ang araw naman natin na magpasalamat sa Diyos, purihin at luwalhatiin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

So ibig-sabihin kung hindi ka mag-simba sa araw ng linggo ay kasalanan tama o mali? Tama. Bakit? dahil ang sa anim na araw na binigay niya para gawin natin ang gusto natin, tulad ng pag-tatrabaho o pag-hahanapbuhay, pag-aaral sa eskuwela, anuman ang nagawa nating pagkakasala sa Diyos sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria sa anim na araw na nagdaan ay kailangan natin ihingi ng awa’t patawad sa Diyos, maliit man na pagkakasala o malaking pagkakasala ay kailangan ikumpisal at mag-simba nang sa ganon ay makatanggap ng Banal Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoon Hesukristo na siyang nag-papatawad ng kasalanan ng sanlibutan, di po ba.

Kung hindi ka mag-sisimba tuwing araw ng linggo e di nag-kakapatong-patong na ang mga nagawa mong kasalanan hanggang sa lumaki ito at mapunta na sa tinatawag na mortal sin, tama o mali? Tama po mga magulang ko’t mga kapatid. Kelan ka pa mag-sisimba, kung mahina kana hindi kana makapunta sa simbahan para mag-simba, para magpasalamat sa araw-araw na biyayang binibigay niya sa ating lahat. Kaya nga dumarating ang pista ng pangilin ay bilang pasasalamat sa mahal na patron ng inyong lugar sa biyayang binigay niya sa buong taon. Eh yung pista ng pangilin isang beses lang yan sa isang taon, hindi pa nagagawa ng iba na mag-simba hindi mo makikita sa simbahan, nandoon sa inuman, inuna pa ang pag-inum ng alak kaysa mag-simba. Sa mga may karamdaman po ay makakabuti po na magsimba po sila para po sa kanilang kagalingan.

Mga magulang ko’t mga kapatid magsimba po tayo tuwing araw ng linggo at araw ng pangilin nang sa ganong pamamaraan ay makapag-purit, makapag-pasalamat tayo sa Diyos sa Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria. Bukas po ang Simbahan ng Mahal na Ingkong ang “Apostolic Catholic Church ang National Shrine ng Ina Poon Bato sa Edsa” sa lahat ng naghahanap ng katotohanan sa pananampalataya. Sa iba’t - ibang lugar naman po ay may pinapadala ang Mahal na Ingkong o ang Mahal na Patriarka ng mga Pari na mag-misa para maabot ang tao, makapagturo at mapangaralan ang tao, makapag-bigay ng Banal na Komunyon.


IV. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.

Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, nalalaman ninyo po ba ang ama at ang ina ay pangalawang diyos natin dito sa lupa, kaya kung ano man ang pinag-uutos ng ating ama’t ina ay kailangan nating sundin, ganun din ang kanilang mga payo at itinuro sa atin para sa ikabubuti’t ikagaganda ng ating buhay, higit sa lahat ay para hindi tayo mapahamak.

Kaya po tayong mga anak huwag pong sasama ang loob natin kung hindi minsan naibibigay ng ama at ina natin ang ating mga gusto, dahil kadalasan ang mga bagay na hinihingi natin ay hindi makakabuti para sa atin at ipagkakasala nating mga anak sa Diyos at baka ito pa ang ikapahamak natin.

Huwag po natin ikahihiya ang ama at ina natin sa ating mga kaibigan o mga kakilala. Ano man ang sitwasyon natin sa buhay ay dapat natin silang igalang at ipagmalaki, dahil hindi kayang bayaran ng kahit na anong bagay ang pag-aaruga at pagpapalaki nila sa atin, na ipinadama nila sa atin ang pagmamahal bilang mga magulang, ama at ina, lalo na ang ina na nag-dala sa atin ng 9 na buwan ng tayo’y nasa sinapupunan. Hindi natin alam kung ano at gaano kahirap sa mga ina ang nagdadalang tao.

Tutulungan natin sila sa mga gawain bahay nang sa gayon ay mabawasan ang kanilang pagod at hindi sila magkakasakit, Kadalasan natutuyuan na ng pawis sa likod, tayong mga anak dapat natin silang ingatan at alagaan upang makasama natin sila ng mahaba pang panahon, sa paglilingkod sa Diyos sa Mahal na Ingkong sa mga misyon na iniatang sa atin, hindi lang tayong mga anak ang dapat alagaan kundi kailangan din nating suklian ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang.

Kaya po mga kapatid igalang po natin ang ating ama at ina. Kasalanan po sa Diyos kung hindi natin sila gagalangin bilang ama at ina natin dito sa lupa at kasalanan din po na itatakwil natin sila o ikahihiya ng dahil lang sa anumang bagay o sitwasyon natin sa buhay. Mahalin natin sila tulad ng pagmamahal ng Diyos, ng Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa atin. Nasabi nyo po ba mga kapatid na “I Love You Nanay o I Love You Tatay”, sabihin po natin ito at yakapin nyo ng mahigpit ang inyong ama at ina, siguradong hindi maipaliwanag ang tuwa at ligaya ang mararamdaman sa kanilang mga puso.


V. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.

Ang salitang pumatay mga magulang ko’t mga kapatid ay hindi lang sa pag-patay sa physical na katawan sa pamamagitan ng baril, kutsilyo o ano mang bagay, kundi ang salitang pumatay ay tumutukoy din sa pagpatay ng kaluluwa ng tao, sa pamamagitan ng pag-tsismis mo ng iyong kapwa, ay isa itong pagpatay sa kaluluwa ng iyong kapwa, pinatay mo ang dignidad ng kapwa mo tao.

Kasalanan po ito mga magulang ko’t mga kapatid, kung nakaririnig tayo o nakakakita tayo ng away ng kapwa natin ay huwag na natin ipag-sabi o itsismis bagkus ipagdasal natin na matapos na itong away o gulo na ito, mag-bigayan at mag-karoon ng pag-kakaunawaan, at pag-papakumbaba ang isa’t isa. Para maiwasan ang pag-patay sa kapwa physical man o kaluluwa, upang ang kapayapaan at pag-ibig at sumaatin pong lahat, saan man sulok ng mundo.


VI. Huwag kang makiapid sa di mo asawa.

Huwag kang makiapid sa di mo asawa, mga kapatid ang mag-asawa ay walang makapaghihiwalay nino man kundi ang kamatayan lang po. Ang makiapid sa di mo asawa ay kasalanan po sa Diyos mga kapatid. Ang pag-aasawa ay hindi po biro hindi ito isusubo na pag-hindi mo nagustohan ay iyong iluluwa, ang pag-aasawa ay pinag-iisipan at pinag-hahandaan sa taong mahal mo. Ang pag-aasawa ay hindi dahil sa makamundong laman. Ang pagsasama po ng isang lalaki at isang babae ay inihahanda ang kanilang sarili sa Diyos para sa pag-iisang dibdib, at ito po ay kinukonsagra o may bendisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga pari sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, nang sa gayon ang biyaya at pagpapala sa mag-asawa ay sumakanila magpakailanman.

Kasalanan po ito mga kapatid ang makiapid sa di mo asawa, isa itong malaking dagok sa buhay, mamalasin ka, magkakasakit ka kung hindi sa iyo mangyayari sa mga anak mo o sa asawa mo na dati mahal na mahal mo o di kaya’y babagsak ang iyong kabuhayan, maghihirap ka. Nang nag-iba na ang itsura ng asawa mo tumaba dahil nasa bahay lang lagi, sa pag-aasikaso sa gawaing bahay, pag-aasikaso sa iyo bilang asawa mo at sa mga anak mo o nakita mo ang tunay na ugali nito na hindi pala maganda ay aayawan mo na at maghahanap kana ng iba, doon pa sa may asawa rin, huwag po mga minamahal kung mga kapatid mahalin mo ang asawa mo kung sino man siya, kung ganun ang ugali ng asawa mo mahalin mo siya, may dahilan ang Diyos kung bakit yan ang babae o lalaki na binigay sa iyo na mapangasawa mo. Alam po nating lahat na kasalanan ito kaya huwag na po nating gawin mga kapatid, huwag nating sisirain ang magandang buhay na binigay ng Diyos sa inyong mag-asawa, huwag natin hahadlangan ang pag-pasok ng magandang biyaya ng Diyos sa atin, ganun din sa kinabukasan ng ating mga anak.


VII. Huwag kang magnakaw.

Ang pagnanakaw po ay kasalanan mga magulang ko’t mga kapatid. Kung ang kahirapan sa buhay ang inyong dinadaing na nagiging dahilan para gawin mo ito, ay kasalanan pa rin po, parurusahan po tayo ng Diyos kung gagawin po natin magnakaw, paparusahan ka na Diyos makukulong ka pa sa bilanguan kung mahuli ka na ginagawa mo ito.

Huwag po mga magulang ko’t mga kapatid, matutuwa kaba na ang pinapakain mo sa iyong asawa’t mga anak na galing sa maling pamamaraan o sa pagnanakaw? Hindi, di ba. Tanongin natin ang sarili natin, kung ang dinaraing natin ay dahil sa kahirapan sa buhay, kaya nagawa itong pagnanakaw. Ito ang tanong, bakit nakararanas ng hirap ang tao? Dahil sa hindi nakatapos ng pag-aral ang sabi ng Isa? Isa pang tanong ulit, Noong pinag-aaral kaba ng iyong ama’t ina mo ay nag-aral ka ba ng mabuti, nakinig ka ba sa payo nila at sa mga itinuro nila sa iyo para ikaw ay mapabuti? Hindi. Mga magulang ko’t mga kapatid, Ito po ang resulta ng hindi pag-galang at pag-sunod sa mga payo’t itinuturo ng kanilang ama at ina, na pag-dating ng tamang panahon ay nakakaranas ng hirap sa buhay at saka nalang natin sasabihin sa sarili natin, sana nag-aral ako ng mabuti, sana nakinig ako sa payo ng aking ama at ina, may magandang kinabukasan sana ako ngayon, hindi sana ako nag-hihirap.

Mayroon kapang-pagkakataon magbago kapatid, humingi ka ng tawad sa iyong ama at ina, magbalik loob ka sa Diyos, pagsisihan mo ang iyong nagawang kasalanan at mangumpisal ka sa pari, nandyan ang mga pari ng Mahal na Ingkong handang mag-serbisyo’t magpayo para sa ikabubuti at ikagiginhawa ng iyong buhay, mag-simba ka, mag-dasal ka ng Santo Rosaryo, sumama ka sa pag-ba Block Rosary sa inyong lugar, naghihintay ang Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa iyo doon sa harap ng Altar. Madarama mo ang ginhawa ng iyong buhay kasama ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria.


VIII. Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling.

Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling dahil ito po ay kasalanan at ayaw ng Diyos na gagawin natin ito. Dahil kung gagawin natin ito at tayo ay susuway sa kanyang pinaguutos ay marami ang mapapahamak. Nang dahil lang sa may gusto tayong bagay na makuha na alam naman nating ikasisira ng ating kapwa at kailangan mong magsinungaling dahil ayaw mong malaman na ikaw ang may gawa at ibabaling sa iba na wala naman kinalaman sa nangyari at walang kasalanan.

Ang pagsisinungaling po ay kasalanan, pwedeng kang hindi makapagsalita o maging pipi bilang parusa sa iyong pagsisinungaling, dapat po ginagamit natin ang ating mga dila sa pagsasabi ng katotohanan. Ang pag-tsimis mo sa kapwa ay isang paninirang puri, ito po ay parang isang apoy na pag-nagbaga at pag-lumaki ay mahirap ng patayin, ang ibig sabihin pag-ipinagkalat mo o ipinagtsismis mo ang kapwa mo ay kakalat ito at marami ang makakaalam hanggang sa hindi mo na makontrol ang pagkalat nito, ito ay katulad din ng pinag-pirapirasong papel at itinapon sa dagat, gusto mo man kunin ulit para ibalik sa pagkakaayos ay hindi mo na magagawa dahil naanod na ng tubig ito. Kawawa naman ang taong ginawan mo nito, gustohin man niyang magbago at linisin ang kanyang pangalan ay hindi na niya magawa dahil nasira na ang kanyang dignidad, ang kanyang pangalan sa maraming tao at hindi na niya maibabalik muli ang tiwala nito sa kanya.


IX. Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.

Kasalanan po mga magulang ko’t mga kapatid ang magnasa sa hindi mo asawa, dahil sinisira mo ang maganda at sagradong pagsasama ng pinag-isa ng Diyos sa pamamagitan ng sacramento ng kasal, at tanging mag-asawa lang po ang pinahintulutan ng Diyos na gawin ang mga bagay na ito para mag-karoon ng supling ang mag-asawang pinag-isa niya. Para maiwasan natin ang mga bagay na ito na pagkakasala ng kaluluwa natin ay iwasan o huwag po kayong manonood ng mga pornographic movies, pictures o mga kasama nitong babasahin. Sa mga kababaihan naman ay huwag po kayong mag-susuot ng mga pinagbabawal ng Diyos na damit tulad ng mga maiikling damit, shorts, sando, mini skirt at iba pa. Upang maiwasan ang mga ganitong pagkakasala ng tao sa buong mundo.


X. Huwag mong pagnasaan ang di mo ari.

Kasalanan po mga magulang ko’t mga kapatid ang pagnasaan natin ang hindi natin pag-aari, makuntento po tayo kung anong meron tayo at huwag na tayong maghangad ng wala tayo, kung ano ang nandyan na meron ka magpasalamat ka sa Diyos biyaya yan ng Mahal na Ingkong, kung wala magpasalamat ka pa rin sa Mahal na Ingkong kasi ginusto ng Diyos na huwag kanang magkaroon ng ganoon bagay dahil ito ay iyong ipagkakasala, ibig sabihin mahal ka ng Diyos ayaw niya mawalay ka sa kanya.

Kaya mga magulang ko’t mga kapatid huwag na nating pagnasaan ang mga bagay na hindi sa atin o hindi natin pag-aari, magkakasala po tayo kung gagawin po natin yun. Ipagdasal mo nalang sa Diyos o hilingin natin sa Mahal na Ingkong na magkaroon ka noon sa mabuting pamamaraan na hindi mo ipagkakasala, nakikinig ang Diyos ang Mahal na Ingkong ang Mahal na Birhen Maria at alam nila ang mga bagay na gusto natin, kailangan mo lang sigurong mag-sakripisyo’t magdasal ng Santo Rosaryo. Gumanap ka sa Edsa sa National Shrine ng Ina Poon Bato ng Apostolic Catholic Church tuwing araw ng ganapan ng Mahal na Ingkong, kung hindi mo pa sya nakikilala pumunta ka pa rin para makilala mo siya, pagpunta mo roon marami ang mag-we welcome sa inyong mga bisita at masasaksihan mo ang katotohanan at kaganapan ng Diyos Espiritu Santo ng Mahal na Ingkong .


Ave Maria Purissima! Ang Tanda ng Santa Krus, Ipagadya mo po kami Mahal na Ingkong, Mahal ng Birhen Maria sa lahat ng aming mga kaaway at masasama. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. AMEN.

Miyerkules, Hunyo 18, 2008

Bakit nga ba nagkakasakit ang tao?

Spiritually speaking ayon sa aking pang-unawa at pag-aaral ng kabanalan at ayon sa mga Mensahe ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang pinagmumulan ng sakit ng tao ay ang kasalanan, at dahil sa pagkakasala ng tao ay sari-saring mga karamdaman o sakit ang lumalaganap sa panahon natin ngayon. Umpisahan natin sa kasuotan ng mga kababaihan ngayon, karamihan sa mga kababaihan ngayon ay hindi na nagsusuot ng tamang kasuotan na kung saan ay dapat nagsusuot sila ayon sa kanilang katangian likha ng Diyos, kung babae ka dapat naka blouse at palda, kung lalaki naman ay t-shirt at pantalon. Ang tanong? Eh kung ang babae ba ay nag-suot ng pantalon, short at sando, sa lalaki naman ay sando at short ay magkakasala? Ang sagot: aba e Oo magkakasala ka dahil sinuway mo ang maliit na kautosan ng Diyos sa pag-suot palang ng kasuotan, mababasa natin yan sa (Deuteronomy 11:5), na hindi dapat nilalantad ang katawan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagsuot ng maling kasuotan na pinagmumulan ng pagkakasala ng tao.

Ang buhok naman ng kababaihan ay hindi po dapat ito pinaiiklian katulad ng buhok ng lalaki, alam nyo po ba na ang buhok na mahaba ng kababaihan ay mahalaga at malaki ang tulong nito sa inyong mga babae, di po ba sa mga babaeng maiitli ang buhok alam kong nararanasan ninyo na nagiging mainitin ang ulo ninyo at maraming problemang dumarating sa inyo. Ito po ang dahilan kung bakit hindi po dapat paiklian ng katulad sa gupit ng buhok ng lalaki ang buhok ng babae at ito po ay isa sa nagiging dahilan ng pagkakasala ninyong mga babae, na itong buhok ng mga babae ang tumatakip sa tainga upang hindi kayo magkasala sa pandinig, pero kung maikli ang buhok ng babae tulad ng buhok ng lalaki ay madali silang makalanghap ng tsismis at pag-naipamalita pa ito sa kapwa ay dagdag kasalanan pa, di po ba totoo, Eh bakit ang lalaki? Makakarinig din sila ng tsismis dahil sa maikli nilang buhok? ang sagot: hindi naman mahilig sa tsismis ang mga lalaki, sa inyo lang mga babae yun. At itong pong buhok ninyong mga kababaihan ang hinahawakan ng mga angel delaguwardya ninyo sa oras na kayo ay nasa panganib para kayo ay iligtas, kung maikli ang buhok ninyong mga kababaihan, ano ang mahahawakan nila, papaano kayo maliligtas ng mga angel delaguwardya ninyo? Hindi nila kayo maliligtas dahil maikli ang buhok ninyong mga babae. Yan po ang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang nadidisgrasya sa panahon natin ngayon. Samantalang noong unang panahon ay wala masyadong nagkakasakit at nadidisgrasya o napapahamak dahil sa pag-suot ng tamang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan.

Ang sabi naman ng iba hindi naman totoo yan, hindi naman ako nagkakasakit. Oo, sa pagkakasala mong yan hindi ka nagkasakit pero ang maaapektohan ay yung mga mahal mo sa buhay, asawa mo, anak mo, kapatid mo, nanay mo, tatay mo, o di kaya’y pag-bagsak ng inyong kabuhayan. Wala kang magiging dahil, kundi sumunod sa pinag-uutos o kagustuhan ng Diyos, higit sa lahat huwag ka nang magkasala.

Kung may sakit ka pumupunta ka sa doktor para magpagamot ang iba gumagaling, ang iba naman hindi, lumalaki lang ang gastos mo sa ospital hanggang sa mawalan ka na ng pag-asa at mawalan ka na ng buhay dahilan sa hindi malaman kung ano talaga ang sakit at lunas ang gagawin. Mga magulang ko’t mga kapatid tamang kasuotan lang at huwag mag-paitli ng buhok ang mga kababaihan, kung may oras pang magpahaba, pahabain nyo na ang buhok ninyong mga kababaihan at mangumpisal sa pari. Kung ang doktor nag-rereseta ng gamot sa mga may sakit, ang Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria ang reseta nila sa taong may sakit ay huwag ng magkakasala, huwag ng magsusuot ang mga kababaihan ng pantalon, short, sando at sa mga kalalakihan naman ay short at sando at mangumpisal sa pari.

Ang mga tao noon pag-gising ng alas kwatro ng umaga mag-mumumug yan at maghihilamos para magsimba at para makatanggap ng banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo, kaya noon wala kang maririnig na malalakas na kalamidad bagyo man o lindol, at patayan dito patayan doon, rape dito rape doon, ngayon lang yan mga kapatid. Kaya nga meninsahe ng Mahal na Birhen Maria na huwag mag-suot ng pantalon, short, sando ang mga kababaihan at sa mga kalalakihan naman ay short at sando, at mahigpit na meninsahe din ng Mahal na Ingkong ang mga bagay na yan, magturo at ipaalaala sa tao ang pag-suot ng tamang kasuotan lalo na sa pagdarasal ng Santo Rosaryo at pag-simba. Mag-palaganap ng Block Rosary sa lahat ng lugar ng mga “Tinatakan” saan man sila naroroon, nang sa ganong pamamaraan ay maabot ang mga tao para maturuan ng tamang pag-sasakripisyo ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at maibalik ang pag-suot ng tamang kasuotan. Ganun din sa pag-simba ay maipaalaala sa tao ang tamang pagtanggap ng Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, na naka luhod at tatanggap lamang sa pamamagitan ng dila hindi ng kamay, na nasa tamang kasuotan din at naka-belo ang mga kababaihan (Corinthians 22:5). Yan po ang dahil kung bakit tinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang kanyang banal simbahan ang Apostolic Catholic Church (ACC) sa pamamagitan ng aming Mahal na Patriarka +Dr. John Florentine L. Teruel,P.P. para ituro sa tao, ibalik ang tama na nakaugaliang pagbabanal, pag-samba sa Diyos, na wala naman pong dapat baguhin maging sa kasuotan ng tao at pag-bebelo ng kababaihan sa pag-simba. Mag-hanap at hikayatin ang mga wala pa o hindi pa nakatatanggap ng Banal na Sakramento ng Binyag, Kumpil, Kasal, at ng (seal of the Holy Spirit) o Basbas ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong.

Kaya nga kapag nagdarasal at pag-simba natin, sa pag-hiling natin sa Diyos minsan sinasabi natin “parang hindi naman ako naririnig ng Diyos” hanggang ngayon ganito pa rin ako wala paring pag-babago mahirap ka pa rin o di kaya’y hindi ka pa rin gumagaling sa karamdaman mo, mga magulang ko’t mga kapatid, na tanong mo ba sa sarili mo, sa pag-harap o pag-lapit mo sa Diyos sa pamamagitan nga pagdarasal o pag-simba mo ay naging karapatdapat kaba? Baka may kulang kapatid? Meron ka sigurong dapat itama, magsuot ng tamang kasuotan na ikasisiya ng Diyos, ng Mahal na Ingkong, ng Mahal na Birhen Maria. Mangumpisal ka sa Pari ng mga kasalanan mong nagawa at pagkukulang sa Kanya at huwag ng magkasala.

Ave Maria Purissima! Ang pagpapala, kapayapaan at pag-ibig ng Diyos na Makapangyarihan ay sumaating lahat mula sa Kataas-taasang Diyos AMA, Anak at Espiritu Santo. Amen.

Biyernes, Hunyo 13, 2008

BRC Tacloban Chapter

Ang Block Rosary Tacloban Chapter Leyte, sa Pilipinas ay nag-umpisa noong ika 12 ng Oktubre 2003 sa pamamagitan ng mag-asawang (Apo) tinatakan ng Diyos Espiritu Santo ang MAHAL NA INGKONG upang ipakita sa tao ang tunay na anyo ng pananampalataya tulad ng pag-susuot ng tamang kasuotan ng mga kalalakihan lalo na sa mga kababaihan (Deuteronomy 22:5) sa pagdarasal ng Santo Rosary at sa pag-samba, hindi t-shirt, shorts at pantalon sa babae at hindi sando’t shorts sa lalaki ganun din ang pag-bebelo ng mga kababaihan kung sila’y mag-pupuri’t sasamba sa Diyos (1 Corinthians 11:5), at higit sa lahat ay ipalaganap kanyang mensahe at aral sa lahat ng tao.

Block Rosary Crusaders

Block Rosary na ang ibig sabihin ay block by block, house to house, binabahay-bahay natin ang Imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima at ng Mahal na Ina Poon Bato sa pagdarasal ng Santo Rosaryo. Crusaders sa wikang espanyol ito ay crusadaz ng nalipat sa wikang franses tinawag na croisade na ang ibig sabihin ay “mark with a cross”, ibig sabihin ito yung nag-papalakad sa Mahal na Birhen ng Fatima at ng Mahal na Ina Poon Bato sa block rosary, ito yung mga tinatakan ng krus sa noo.

Bakit Imahen ng Birhen ng Fatima ang pinapalakad sa Block Rosary?

Imahen ng Birhen ng Fatima ang pinapalakad sa Block Rosary para po ipaalaala sa tao o sa atin pong lahat na ang Mahal na Inang Birhen ay nag-mensahe sa Fatima Portugal kay Sister Lucia na ang mensahe ay tungkol sa Third Secret of Fatima. Ang unang mensahe ay tungkol sa Word War II, ang pangalawang mensahe ay tungkol sa dagat-dagatang apoy sa impiyerno, na isa sa nagiging dahilan ng pag-luha ng dugo ng Mahal na Ina, dahil ayaw niyang kahit na isa sa kanyang mga anak na mapunta sa impiyerno kaya’t ang tao ay hinihikayat niyang magdasal ng Santo Rosaryo. Ang pangatlong mensahe ay tungkol sa Apostasy na ang ibig sabihin ay panlalamig sa pananampalataya ng mga tao na nagiging dahilan kung bakit nawawala na ang nakaugalian nating pag-suot ng tamang kasuotan lalo na sa pagdarasal ng santo rosaryo at pag-samba, ang tamang pagsasakripisyo o pagdarasal ng Santo Rosaryo. 2 Thessalonians 2:3-12.

Ano naman ang kahalagahan nitong pagba-Block Rosary natin?

Ang kahalagahan po nitong pagba-Block Rosary natin ay bilang paghahanda sa hinaharap na Spiritual Battle o Labanang Espiritual, mababasa po natin yan sa Apocalyps 20:1,3,7,9.

Huwebes, Hunyo 12, 2008

MAHAL NA INGKONG ikaw po ang Panginoon ko at Diyos ko.

....... Meron akong pangitain sa aking pagninilay ng alas dose ng gabi, isang lugar na nasa tabing dagat at maraming nakatira doon, may maitim na ulap sa kaliwang bahagi naroon si satanas na humahalakhak at nag-wika “tao! sakin kayong lahat ha.. ha.. ha...” samantalang sa itaas ng kanang bahagi na nag-liliwanag naman ang Mahal na Kataastaasang Diyos AMA at nag-wika “KALOOBAN KO LAMANG ANG MASUSUNOD”. ......

....... Nakita ko ang mga anghel sa langit, pinapana ng mga mabuting angel ang mga masasamang angel at sa mga tatamaan ng pana ng mabuting angel ang masamang angel ay nagiging mabuting angel ito at lumilipat ito sa lugar ng mga mabubuting angel .......

....... to be continued