Biyernes, Hunyo 13, 2008

BRC Tacloban Chapter

Ang Block Rosary Tacloban Chapter Leyte, sa Pilipinas ay nag-umpisa noong ika 12 ng Oktubre 2003 sa pamamagitan ng mag-asawang (Apo) tinatakan ng Diyos Espiritu Santo ang MAHAL NA INGKONG upang ipakita sa tao ang tunay na anyo ng pananampalataya tulad ng pag-susuot ng tamang kasuotan ng mga kalalakihan lalo na sa mga kababaihan (Deuteronomy 22:5) sa pagdarasal ng Santo Rosary at sa pag-samba, hindi t-shirt, shorts at pantalon sa babae at hindi sando’t shorts sa lalaki ganun din ang pag-bebelo ng mga kababaihan kung sila’y mag-pupuri’t sasamba sa Diyos (1 Corinthians 11:5), at higit sa lahat ay ipalaganap kanyang mensahe at aral sa lahat ng tao.

Block Rosary Crusaders

Block Rosary na ang ibig sabihin ay block by block, house to house, binabahay-bahay natin ang Imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima at ng Mahal na Ina Poon Bato sa pagdarasal ng Santo Rosaryo. Crusaders sa wikang espanyol ito ay crusadaz ng nalipat sa wikang franses tinawag na croisade na ang ibig sabihin ay “mark with a cross”, ibig sabihin ito yung nag-papalakad sa Mahal na Birhen ng Fatima at ng Mahal na Ina Poon Bato sa block rosary, ito yung mga tinatakan ng krus sa noo.

Bakit Imahen ng Birhen ng Fatima ang pinapalakad sa Block Rosary?

Imahen ng Birhen ng Fatima ang pinapalakad sa Block Rosary para po ipaalaala sa tao o sa atin pong lahat na ang Mahal na Inang Birhen ay nag-mensahe sa Fatima Portugal kay Sister Lucia na ang mensahe ay tungkol sa Third Secret of Fatima. Ang unang mensahe ay tungkol sa Word War II, ang pangalawang mensahe ay tungkol sa dagat-dagatang apoy sa impiyerno, na isa sa nagiging dahilan ng pag-luha ng dugo ng Mahal na Ina, dahil ayaw niyang kahit na isa sa kanyang mga anak na mapunta sa impiyerno kaya’t ang tao ay hinihikayat niyang magdasal ng Santo Rosaryo. Ang pangatlong mensahe ay tungkol sa Apostasy na ang ibig sabihin ay panlalamig sa pananampalataya ng mga tao na nagiging dahilan kung bakit nawawala na ang nakaugalian nating pag-suot ng tamang kasuotan lalo na sa pagdarasal ng santo rosaryo at pag-samba, ang tamang pagsasakripisyo o pagdarasal ng Santo Rosaryo. 2 Thessalonians 2:3-12.

Ano naman ang kahalagahan nitong pagba-Block Rosary natin?

Ang kahalagahan po nitong pagba-Block Rosary natin ay bilang paghahanda sa hinaharap na Spiritual Battle o Labanang Espiritual, mababasa po natin yan sa Apocalyps 20:1,3,7,9.

4 (na) komento:

Apo Almiro de Alexandria ayon kay ...

Ave Maria Purissima.

Ang Labanang Espiritwal, ay pinasimulan sa langit nang itaas ni Satanas ang kanyang sarili at hindi paggalang sa nilikha ng Diyos na kanyang kalarawan, alalaon baga ay si Adan.Ibinulid ng tapat na anghel Miguel si Satanas sa lupa. Sa pagaakala ni Satanas na si Eba ay si Adan, tinukso niya ito ay siya ay nagwagi - bilang kaparusahan sa mag-asawa sila ay pinalabas ng hardin, at isinumpa ang digmaan ng babae at ng ahas, ng binhi ng babae at binhi ng ahas. Magmula noon magpahanggang sa kasalukuyan, ang digmaan ng babae, ng kanyang binhi sa ahas at a binhi nito ay patuloy nagaganap magsimula sa bawat angkan, pook, at bansa.

Ang bawat panalangin nating inuusal na mga tinatakan at hinirang ng Ingkong ay pumapaimbulog sa kalagitnaan ng langit at ng lupa, sa mga papawirin na siyang kinaroroonan ng mga potestad, dominaciones at ibat ibang uri ng masasamang espiritu na hindi na makapanik ng langit. Kinokontrol ng mga espiritung yaon ang utak ng maraming tao na nasa matataas na posisyon upang sa pamamagitan ng kapangyarihan, impluwensya ng mga taong yaon ay maisakatuparan ng mga anghel na bumagsak ang kanilang planong sirain at lipulin ang mga anak ng Diyos, ang mga hinirang.

Kung kaya nga ang digmaan ay tunay na unang naganap sa kaitaasan, ikalawa ay sa kalagitnaan ng langit at ng lupa- iyon ang dako na tinatawag na homebase nila.

Malaki at hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ni Arkanghel Miguel sa digmaang ito, gayon din ang mga Anghel na Tagatanod, at ng tulong ng panalangin ng mga kaluluwa sa purgatoryo. Isama po ninyo sa inyong pagdarasal ang Panalangin sa kanila, gayon din ang Litanya sa mga Anghel at Arkangheles.

Pagpalain po kayo at ingatan diyan sa Tacloban ng ating Mahal na Ingkong, Mahal na Birhen Maria, ng Mama Virginia at ng lahat ng mga banal na tatak.

Gloria in Excelsis Deo Alleluia INGKONG.

Apo Almiro de Alexandria ayon kay ...

May mga kopya po ako ng mga panalangin kong nabanggit sa ibaba, kung ibig ninyo ay mag email po kayo sa apoalmirodealexandria1993@yahoo.com. Maraming Salamat po

archadolfo71 ayon kay ...

I bless the Lord and Mama Mary for this soul enriching website. However I would just like to correct (might be typo error) the phrase "Banal na Santo Rosaryo" to just "Banal na Rosaryo" or "Santo Rosaryo". Nevertheless, ipagpatuloy natin ang gawain ng pagsasabog ng kabanalan at pagtulong s a Mahal na Ingkong na baguhin ang anyo ng mundo. Mabuhay at Purihin ang Diyos Espiritu Santo - Archbishop Adolfo, ACC-USA

Apo Emilio de Alexandria ayon kay ...

Ave Maria Purissima.

Maraming salamat po Archbishop Adolfo ng ACC-USA sa mga corrections. Isina-ayos ko na po ang mga corrections ninyo.

Opo sama-sama po natin ipagpatuloy ang gawain ng pagsasabog ng kabanalan at pagtulong sa Mahal na Ingkong na baguhin ang anyo ng mundo. Mabuhay at Purihin ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong.