Ave Maria Purissima!...
Tandaan: Ang lahat na nasusulat at inyong mababasa ay isang paalaala lamang sa tao o sa atin pong lahat na ang Diyos na Makapangyarihan ay may Sampung Utos na dapat po natin sundin, bigyan ng pansin at huwag babaliwalain.
I. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay.
Ang tanong paano nga ba natin iibigin ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay? Hindi po sapat na bibigkasin lang po natin sa ating mga labi na “mahal ko ang Diyos o iniibig ko ang Diyos”, kailangan po ay samahan po natin ng gawa, tulad ng hindi paggawa ng mga inaayawan ng Diyos na gawin natin, ano yun? Siyempre yung huwag ng magkasala, mangumpisal ka sa pari ng Mahal na Ingkong. Huwag na tayong gagawa ng ipagkakasala ng kaluluwa natin na maghihiwalay sa atin sa Diyos at ikamamatay ng ating kaluluwa. Maipapakita natin ang pag-ibig natin sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos niya, tulad ng pag-suot ng tamang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan, pag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyo’t panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, tumangtanggap ng Banal na Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, pag-bebelo ng mga kababaihan sa pagdarasal ng Santo Rosaryo at sa pag-simba bilang paggalang at pagpapasakop sa Diyos. Isa rin ang pag-gawa ng mga gawain kabanalan para sa kanya, para sa ikaliligtas ng maraming kaluluwa, pag-tuturo ng kabanalan, pagsa-Santo Rosaryo at kailangan aalamin natin ang lahat tungkol sa Diyos Amang Yahwee, tungkol sa Diyos Anak ang ating Panginoong Hesukristo at tungkol sa Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, ganun din sa Mahal na Birhen Maria.
Ang lahat ng ito ay hindi pa sapat mga magulang ko’t mga kapatid para maipakita natin ang pag-ibigin natin sa Diyos, isa-puso natin at isa-buhay natin ang mga natutunan nating pagbabanal sa Diyos, sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria, sa Mama Sta. Maria Virginia, at sa ating Mahal na Patriarka Dr. Juan Florentino.
II. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos.
Pag-nagagalit ka sa kapwa mo o may nagawang hindi maganda sa iyo ang kapwa mo, sasabihin mo “kidlatan ka sana ng diyos”, ang iba ganito “kunin ka na sana ni lord” na mapapahamak ang ating kapwa, huwag po mga magulang ko’t mga kapatid kasalanan po yun. Kung ang kapwa mo ay may nagagawang hindi maganda sa iyo, ay ipag-dasal nalang po natin na sana mag-bago na siya, huwag na niyang gawin ulit yun, nang sa gayo’y ang kapayapaan at pag-ibig ng Diyos ay sumaatin lagi.
III. Mangilin ka kung Linggo at kung mga araw na dapat ipangilin.
Tulad nang nabanggit sa unang bahagi na mag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyo’t panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, mangumonyon o tumangtanggap ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo ay isang pamamaraan para makita natin ang pag-ibig natin sa Diyos.
Mahalaga po mga magulang ko’t mga kapatid ang araw ng Linggo sa Diyos, dahil pag-katapos lalangin ng Diyos ang langit, ang lupa at ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw sabihin na natin mula Lunes hanggang Sabado sa ika-pitong araw ay Linggo siya’y namahinga at ito ang araw naman natin na magpasalamat sa Diyos, purihin at luwalhatiin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
So ibig-sabihin kung hindi ka mag-simba sa araw ng linggo ay kasalanan tama o mali? Tama. Bakit? dahil ang sa anim na araw na binigay niya para gawin natin ang gusto natin, tulad ng pag-tatrabaho o pag-hahanapbuhay, pag-aaral sa eskuwela, anuman ang nagawa nating pagkakasala sa Diyos sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria sa anim na araw na nagdaan ay kailangan natin ihingi ng awa’t patawad sa Diyos, maliit man na pagkakasala o malaking pagkakasala ay kailangan ikumpisal at mag-simba nang sa ganon ay makatanggap ng Banal Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoon Hesukristo na siyang nag-papatawad ng kasalanan ng sanlibutan, di po ba.
Kung hindi ka mag-sisimba tuwing araw ng linggo e di nag-kakapatong-patong na ang mga nagawa mong kasalanan hanggang sa lumaki ito at mapunta na sa tinatawag na mortal sin, tama o mali? Tama po mga magulang ko’t mga kapatid. Kelan ka pa mag-sisimba, kung mahina kana hindi kana makapunta sa simbahan para mag-simba, para magpasalamat sa araw-araw na biyayang binibigay niya sa ating lahat. Kaya nga dumarating ang pista ng pangilin ay bilang pasasalamat sa mahal na patron ng inyong lugar sa biyayang binigay niya sa buong taon. Eh yung pista ng pangilin isang beses lang yan sa isang taon, hindi pa nagagawa ng iba na mag-simba hindi mo makikita sa simbahan, nandoon sa inuman, inuna pa ang pag-inum ng alak kaysa mag-simba. Sa mga may karamdaman po ay makakabuti po na magsimba po sila para po sa kanilang kagalingan.
Mga magulang ko’t mga kapatid magsimba po tayo tuwing araw ng linggo at araw ng pangilin nang sa ganong pamamaraan ay makapag-purit, makapag-pasalamat tayo sa Diyos sa Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria. Bukas po ang Simbahan ng Mahal na Ingkong ang “Apostolic Catholic Church ang National Shrine ng Ina Poon Bato sa Edsa” sa lahat ng naghahanap ng katotohanan sa pananampalataya. Sa iba’t - ibang lugar naman po ay may pinapadala ang Mahal na Ingkong o ang Mahal na Patriarka ng mga Pari na mag-misa para maabot ang tao, makapagturo at mapangaralan ang tao, makapag-bigay ng Banal na Komunyon.
IV. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina.
Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, nalalaman ninyo po ba ang ama at ang ina ay pangalawang diyos natin dito sa lupa, kaya kung ano man ang pinag-uutos ng ating ama’t ina ay kailangan nating sundin, ganun din ang kanilang mga payo at itinuro sa atin para sa ikabubuti’t ikagaganda ng ating buhay, higit sa lahat ay para hindi tayo mapahamak.
Kaya po tayong mga anak huwag pong sasama ang loob natin kung hindi minsan naibibigay ng ama at ina natin ang ating mga gusto, dahil kadalasan ang mga bagay na hinihingi natin ay hindi makakabuti para sa atin at ipagkakasala nating mga anak sa Diyos at baka ito pa ang ikapahamak natin.
Huwag po natin ikahihiya ang ama at ina natin sa ating mga kaibigan o mga kakilala. Ano man ang sitwasyon natin sa buhay ay dapat natin silang igalang at ipagmalaki, dahil hindi kayang bayaran ng kahit na anong bagay ang pag-aaruga at pagpapalaki nila sa atin, na ipinadama nila sa atin ang pagmamahal bilang mga magulang, ama at ina, lalo na ang ina na nag-dala sa atin ng 9 na buwan ng tayo’y nasa sinapupunan. Hindi natin alam kung ano at gaano kahirap sa mga ina ang nagdadalang tao.
Tutulungan natin sila sa mga gawain bahay nang sa gayon ay mabawasan ang kanilang pagod at hindi sila magkakasakit, Kadalasan natutuyuan na ng pawis sa likod, tayong mga anak dapat natin silang ingatan at alagaan upang makasama natin sila ng mahaba pang panahon, sa paglilingkod sa Diyos sa Mahal na Ingkong sa mga misyon na iniatang sa atin, hindi lang tayong mga anak ang dapat alagaan kundi kailangan din nating suklian ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang.
Kaya po mga kapatid igalang po natin ang ating ama at ina. Kasalanan po sa Diyos kung hindi natin sila gagalangin bilang ama at ina natin dito sa lupa at kasalanan din po na itatakwil natin sila o ikahihiya ng dahil lang sa anumang bagay o sitwasyon natin sa buhay. Mahalin natin sila tulad ng pagmamahal ng Diyos, ng Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa atin. Nasabi nyo po ba mga kapatid na “I Love You Nanay o I Love You Tatay”, sabihin po natin ito at yakapin nyo ng mahigpit ang inyong ama at ina, siguradong hindi maipaliwanag ang tuwa at ligaya ang mararamdaman sa kanilang mga puso.
V. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao.
Ang salitang pumatay mga magulang ko’t mga kapatid ay hindi lang sa pag-patay sa physical na katawan sa pamamagitan ng baril, kutsilyo o ano mang bagay, kundi ang salitang pumatay ay tumutukoy din sa pagpatay ng kaluluwa ng tao, sa pamamagitan ng pag-tsismis mo ng iyong kapwa, ay isa itong pagpatay sa kaluluwa ng iyong kapwa, pinatay mo ang dignidad ng kapwa mo tao.
Kasalanan po ito mga magulang ko’t mga kapatid, kung nakaririnig tayo o nakakakita tayo ng away ng kapwa natin ay huwag na natin ipag-sabi o itsismis bagkus ipagdasal natin na matapos na itong away o gulo na ito, mag-bigayan at mag-karoon ng pag-kakaunawaan, at pag-papakumbaba ang isa’t isa. Para maiwasan ang pag-patay sa kapwa physical man o kaluluwa, upang ang kapayapaan at pag-ibig at sumaatin pong lahat, saan man sulok ng mundo.
VI. Huwag kang makiapid sa di mo asawa.
Huwag kang makiapid sa di mo asawa, mga kapatid ang mag-asawa ay walang makapaghihiwalay nino man kundi ang kamatayan lang po. Ang makiapid sa di mo asawa ay kasalanan po sa Diyos mga kapatid. Ang pag-aasawa ay hindi po biro hindi ito isusubo na pag-hindi mo nagustohan ay iyong iluluwa, ang pag-aasawa ay pinag-iisipan at pinag-hahandaan sa taong mahal mo. Ang pag-aasawa ay hindi dahil sa makamundong laman. Ang pagsasama po ng isang lalaki at isang babae ay inihahanda ang kanilang sarili sa Diyos para sa pag-iisang dibdib, at ito po ay kinukonsagra o may bendisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga pari sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, nang sa gayon ang biyaya at pagpapala sa mag-asawa ay sumakanila magpakailanman.
Kasalanan po ito mga kapatid ang makiapid sa di mo asawa, isa itong malaking dagok sa buhay, mamalasin ka, magkakasakit ka kung hindi sa iyo mangyayari sa mga anak mo o sa asawa mo na dati mahal na mahal mo o di kaya’y babagsak ang iyong kabuhayan, maghihirap ka. Nang nag-iba na ang itsura ng asawa mo tumaba dahil nasa bahay lang lagi, sa pag-aasikaso sa gawaing bahay, pag-aasikaso sa iyo bilang asawa mo at sa mga anak mo o nakita mo ang tunay na ugali nito na hindi pala maganda ay aayawan mo na at maghahanap kana ng iba, doon pa sa may asawa rin, huwag po mga minamahal kung mga kapatid mahalin mo ang asawa mo kung sino man siya, kung ganun ang ugali ng asawa mo mahalin mo siya, may dahilan ang Diyos kung bakit yan ang babae o lalaki na binigay sa iyo na mapangasawa mo. Alam po nating lahat na kasalanan ito kaya huwag na po nating gawin mga kapatid, huwag nating sisirain ang magandang buhay na binigay ng Diyos sa inyong mag-asawa, huwag natin hahadlangan ang pag-pasok ng magandang biyaya ng Diyos sa atin, ganun din sa kinabukasan ng ating mga anak.
VII. Huwag kang magnakaw.
Ang pagnanakaw po ay kasalanan mga magulang ko’t mga kapatid. Kung ang kahirapan sa buhay ang inyong dinadaing na nagiging dahilan para gawin mo ito, ay kasalanan pa rin po, parurusahan po tayo ng Diyos kung gagawin po natin magnakaw, paparusahan ka na Diyos makukulong ka pa sa bilanguan kung mahuli ka na ginagawa mo ito.
Huwag po mga magulang ko’t mga kapatid, matutuwa kaba na ang pinapakain mo sa iyong asawa’t mga anak na galing sa maling pamamaraan o sa pagnanakaw? Hindi, di ba. Tanongin natin ang sarili natin, kung ang dinaraing natin ay dahil sa kahirapan sa buhay, kaya nagawa itong pagnanakaw. Ito ang tanong, bakit nakararanas ng hirap ang tao? Dahil sa hindi nakatapos ng pag-aral ang sabi ng Isa? Isa pang tanong ulit, Noong pinag-aaral kaba ng iyong ama’t ina mo ay nag-aral ka ba ng mabuti, nakinig ka ba sa payo nila at sa mga itinuro nila sa iyo para ikaw ay mapabuti? Hindi. Mga magulang ko’t mga kapatid, Ito po ang resulta ng hindi pag-galang at pag-sunod sa mga payo’t itinuturo ng kanilang ama at ina, na pag-dating ng tamang panahon ay nakakaranas ng hirap sa buhay at saka nalang natin sasabihin sa sarili natin, sana nag-aral ako ng mabuti, sana nakinig ako sa payo ng aking ama at ina, may magandang kinabukasan sana ako ngayon, hindi sana ako nag-hihirap.
Mayroon kapang-pagkakataon magbago kapatid, humingi ka ng tawad sa iyong ama at ina, magbalik loob ka sa Diyos, pagsisihan mo ang iyong nagawang kasalanan at mangumpisal ka sa pari, nandyan ang mga pari ng Mahal na Ingkong handang mag-serbisyo’t magpayo para sa ikabubuti at ikagiginhawa ng iyong buhay, mag-simba ka, mag-dasal ka ng Santo Rosaryo, sumama ka sa pag-ba Block Rosary sa inyong lugar, naghihintay ang Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa iyo doon sa harap ng Altar. Madarama mo ang ginhawa ng iyong buhay kasama ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria.
VIII. Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling.
Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling dahil ito po ay kasalanan at ayaw ng Diyos na gagawin natin ito. Dahil kung gagawin natin ito at tayo ay susuway sa kanyang pinaguutos ay marami ang mapapahamak. Nang dahil lang sa may gusto tayong bagay na makuha na alam naman nating ikasisira ng ating kapwa at kailangan mong magsinungaling dahil ayaw mong malaman na ikaw ang may gawa at ibabaling sa iba na wala naman kinalaman sa nangyari at walang kasalanan.
Ang pagsisinungaling po ay kasalanan, pwedeng kang hindi makapagsalita o maging pipi bilang parusa sa iyong pagsisinungaling, dapat po ginagamit natin ang ating mga dila sa pagsasabi ng katotohanan. Ang pag-tsimis mo sa kapwa ay isang paninirang puri, ito po ay parang isang apoy na pag-nagbaga at pag-lumaki ay mahirap ng patayin, ang ibig sabihin pag-ipinagkalat mo o ipinagtsismis mo ang kapwa mo ay kakalat ito at marami ang makakaalam hanggang sa hindi mo na makontrol ang pagkalat nito, ito ay katulad din ng pinag-pirapirasong papel at itinapon sa dagat, gusto mo man kunin ulit para ibalik sa pagkakaayos ay hindi mo na magagawa dahil naanod na ng tubig ito. Kawawa naman ang taong ginawan mo nito, gustohin man niyang magbago at linisin ang kanyang pangalan ay hindi na niya magawa dahil nasira na ang kanyang dignidad, ang kanyang pangalan sa maraming tao at hindi na niya maibabalik muli ang tiwala nito sa kanya.
IX. Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa.
Kasalanan po mga magulang ko’t mga kapatid ang magnasa sa hindi mo asawa, dahil sinisira mo ang maganda at sagradong pagsasama ng pinag-isa ng Diyos sa pamamagitan ng sacramento ng kasal, at tanging mag-asawa lang po ang pinahintulutan ng Diyos na gawin ang mga bagay na ito para mag-karoon ng supling ang mag-asawang pinag-isa niya. Para maiwasan natin ang mga bagay na ito na pagkakasala ng kaluluwa natin ay iwasan o huwag po kayong manonood ng mga pornographic movies, pictures o mga kasama nitong babasahin. Sa mga kababaihan naman ay huwag po kayong mag-susuot ng mga pinagbabawal ng Diyos na damit tulad ng mga maiikling damit, shorts, sando, mini skirt at iba pa. Upang maiwasan ang mga ganitong pagkakasala ng tao sa buong mundo.
X. Huwag mong pagnasaan ang di mo ari.
Kasalanan po mga magulang ko’t mga kapatid ang pagnasaan natin ang hindi natin pag-aari, makuntento po tayo kung anong meron tayo at huwag na tayong maghangad ng wala tayo, kung ano ang nandyan na meron ka magpasalamat ka sa Diyos biyaya yan ng Mahal na Ingkong, kung wala magpasalamat ka pa rin sa Mahal na Ingkong kasi ginusto ng Diyos na huwag kanang magkaroon ng ganoon bagay dahil ito ay iyong ipagkakasala, ibig sabihin mahal ka ng Diyos ayaw niya mawalay ka sa kanya.
Kaya mga magulang ko’t mga kapatid huwag na nating pagnasaan ang mga bagay na hindi sa atin o hindi natin pag-aari, magkakasala po tayo kung gagawin po natin yun. Ipagdasal mo nalang sa Diyos o hilingin natin sa Mahal na Ingkong na magkaroon ka noon sa mabuting pamamaraan na hindi mo ipagkakasala, nakikinig ang Diyos ang Mahal na Ingkong ang Mahal na Birhen Maria at alam nila ang mga bagay na gusto natin, kailangan mo lang sigurong mag-sakripisyo’t magdasal ng Santo Rosaryo. Gumanap ka sa Edsa sa National Shrine ng Ina Poon Bato ng Apostolic Catholic Church tuwing araw ng ganapan ng Mahal na Ingkong, kung hindi mo pa sya nakikilala pumunta ka pa rin para makilala mo siya, pagpunta mo roon marami ang mag-we welcome sa inyong mga bisita at masasaksihan mo ang katotohanan at kaganapan ng Diyos Espiritu Santo ng Mahal na Ingkong .
Ave Maria Purissima! Ang Tanda ng Santa Krus, Ipagadya mo po kami Mahal na Ingkong, Mahal ng Birhen Maria sa lahat ng aming mga kaaway at masasama. Sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. AMEN.

Ang Sampung Utos ng Diyos

11 komento:
Kailan pa naging ika-pitong araw ng sanglinggo ang araw ng Linggo? Kailan pa naging Linggo ang banal na araw ng Sabbath, o yung pang-apat na kautusan ng Dios.?
Sana nama'y magsaliksik ng wasto, upang hindi makapagbigay ng maling kaalaman sa mambabasa. Ang katuruang pangkabanalan na lumalapat sa kamalian ay hindi sinasakop ng katotohanang sumasa Dios. Hindi nakakabuti ang ginagawa mo, bagkus ay makakasama sa iyong kapuwa.
Huwag mo namang alisin sa sampung (10) utos ng Dios ang pangalawang utos. Na sinasabi,
"HUWAG KANG GAGAWA PARA SA IYO NG LARAWANG INANYUAN NA KAWANGIS NG ANOMANG ANYONG NASA ITAAS SA LANGIT, O NASA IBABA NG LUPA, O NASA TUBIG SA ILALIM NG LUPA. HUWAG MONG YUYUKURAN SILA, O PAGLILINGKURAN MAN SILA...."
Itinago baga nyo ito sa layuning pagtakpan ang pagsamba nyo sa mga rebulto at larawan ng inyong mga diosdiosan? Kung sumasa Dios ang hangarin mo ay hindi ang isinaayos na sampung utos ng katoliko ang kikilangan ng iyong puso at isipan, kundi yung mga kautusan na nasusulat sa DEUT 5:6-21.
Maging si Jesus ay binigyan ng diin na walang nararapat na mawala sa kautusan, kahi man ito'y tuldok o kudlin man.
MATEO 5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
Karumaldumal sa paningin ng Dios ang laman ng blog mo kung sino ka man. Dahil sa mga sumusunod na talata.
KAW 30 :
6 HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.
DEUT 12 :
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
JER 26 :
2 ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.
Mag hunus-dili ka kapatid, halatang-halata ang pangloloko mo sa marami. At kung may natitira ka pag takot sa Dios ay bawiin mong lahat ang sinabi mo sa iyong blog at maghingi ka ng paumanhin sa maraming taong napaniwala mo ng iyong kahangalan.
Ave Maria Purissima...
Ang Tanda ng Santa Krus ipag-adya mo po kami panginoon naming Diyos sa lahat ng aming mga kaaway at masasama. Sa pangalan ng DIYOS AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG. AMEN.
Ipag-paumanhin mo po kapatid Yohvshva bar Yusuf, maraming salamat po sa inyong mga puna, sasagutin ko lang po ang inyong puna.
Ayon sa BANAL NA KASULATAN ang sabi ng DIYOS sa LEVITICUS 23:7, 24, 35, 39 at 40 na kung saan ay paulit-ulit na paliwanag tungkol sa SABBATH at ito’y maipagdiriwang din sa UNANG ARAW.
Lev 23:
7 Sa unang araw, magkakaroon kayo ng banal na pagtitipon; huwag kayong magtatrabaho.
24 Sabihin mo sa mga Israelita na ang unang araw ng ikapitong buwan ay Araw ng Pamamahinga, araw ng inyong banal na pagtitipon. Ipapaalam ito sa pamamagitan ng tunog ng mga trumpeta.
35 Sa unang araw, magkaroon kayo ng banal na pagtitipon, at huwag kayong magtatrabaho.
39 Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagkatapos ng pag-aani, pitong araw pa kayong magpipista para kay Yahweh. Huwag kayong magtatrabaho sa una at ikawalong araw.
40 Sa unang araw, pipitas kayo ng mabubuting bungangkahoy, mga sanga ng palmera at mayayabong na sanga ng kahoy sa tabing-ilog. Pitong araw kayong magdiriwang bilang parangal kay Yahweh na inyong Diyos.
Ang katotohanan sinasabi sa Lev 23:39 maliwanag na ang UNA at ang IKAWALONG ARAW ay parehong katumbas ng LINGGO at ito ay mga ARAW ng SABBATH o SHABBAT sa wikang Hebreo. Sinasabi rin dito sa BANAL NA KASULATAN sa mga UNANG ARAW po na iyan ay MALINAW na INIUTOS ng DIYOS na ang mga Israelita ay dapat “magkaroon ng banal na pagtitipon at hindi gagawa ng ano mang uri ng trabaho”
Ito po ang katotohanan mga magulang ko’t mga kapatid, ayon mismo sa DIYOS ay hindi lang sabado ang araw ng PANGILIN o ang SABBATH. Maging ang UNANG ARAW ay ARAW ng SABBATH. Ang KATOTOHANAN NA KAYA NAGING BANAL ANG IKAPITONG ARAW AY DAHIL DOON NATAPOS ANG PAGLIKHA NA GINAWA NG DIYOS. Yun ang dahilan kung bakit naging banal ang araw na iyon, nagpahinga o tumigil sa paggawa ang Diyos.
Katotohanan din kaya tinawag na SABBATH ang ikapitong araw ay hindi dahil ikapitong araw iyon kundi dahil doon natapat ang pagpapahinga ng DIYOS.
Tandaan ninyo mga magulang ko’t mga kapatid ang salitang SABBATH ay galing sa wikang Hebreo na SHABBAT na ang ibig sabihin ay pagpapahinga o pagtigil sa paggawa.
Sa kasalukuyang panahon ang DIYOS ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG ay ipinapakilala sa buong mundo ang simbahan na kanyang tinatag ang APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH sa pamumuno ng aming Pinakamamahal na PATRIYARKA DR. JUAN FLORENTINO L. TERUEL, P.P. patuloy na nagpapaalaala sa buong mundo na huwag nang magkakasala, magbalik loob sa DIYOS na ito na buhay walang laman walang buto ang Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa pinakamababa at abang pangalang MAHAL NA INGKONG na sa pamamagitan ng KRISTO ay naging daan upang siya’y makilala ng sangkatauhan sa buong mundo at maibalik ang tunay na anyo ng mundo.
Ave Maria Purissima...
Sa pangalan ng DIYOS AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG. AMEN.
Ave Maria Purissima...
Ang Tanda ng Santa Krus, ipag-adya mo po kami Panginoon naming Diyos sa lahat ng aming mga kaaway at masasama. Sa Pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO ANG MAHAL NA INGKONG. AMEN.
Muli maraming salamat kay kapatid Yohvshva bar Yusuf sa kanyang mga puna, sa pagkakataon pong ito ay akin pong sasagutin ang inyong pangalawang puna.
Lilinawin ko lang po na wala kaming tinanggal sa mga utos ng DIYOS. Ang sinasabi ng kapatid natin nasi Yohvshva bar Yusuf ay nasa Exodo 20:4-5 na kung saan ay nakapaloob ito sa UNANG UTOS ng DIYOS na “IBIGIN MO ANG DIYOS NANG LALO AT HIGIT SA LAHAT NG BAGAY.”
Uulitin ko po papaano nga ba natin iibigin ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay? ang Banal na Kasulatan mismo ang sasagot sa mga katanungan na iyan, mababasa natin sa Exodo 20: 1-6:
1 Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos: 2 "Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.
3 "Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 "Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
Ayun sa lumang tipan maliwanag na sinasabi ng Diyos Amang Yahweh na huwag sumamba kay Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Milcom, ang karumal-dumal na diyos ng mga Ammonita. Mababasa natin yan sa 1 Hari 11: 1,5,9-13,33:
Tumalikod si Solomon sa Diyos
1 Umibig si Solomon sa maraming dayuhang babae. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Heteo.
5 Sumamba si Solomon kay Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Milcom, ang karumal-dumal na diyos ng mga Ammonita.
9 Nagalit si Yahweh kay Solomon dahil sa ginawa niyang ito. Dalawang beses na nagpakita sa kanya si Yahweh 10 at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyosan. Ngunit hindi niya sinunod si Yahweh. 11 Kaya nga't sinabi nito sa kanya, "Dahil sumira ka sa ating kasunduan at sinuway mo ang aking mga utos, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay ko sa isang lingkod mo. 12 Ngunit alang-alang kay David na iyong ama, hindi ko gagawin ito sa panahon ng paghahari mo, kundi sa panahon ng paghahari ng iyong anak. 13 Isang lipi lamang ang ititira ko sa kanya alang-alang kay David na aking lingkod, at alang-alang sa Jerusalem, ang lunsod na aking pinili."
33 Ginawa ko ito sapagkat tinalikuran niya ako at naglingkod siya kay Astarte, ang diyos ng mga Sidonio, kay Cemos, ang diyos ng Edom at kay Molec, ang diyos ng mga Ammonita. Hindi siya namuhay nang ayon sa kalooban ko. Hindi niya ginawa ang gusto ko, at hindi niya sinunod ang aking mga utos at tuntunin. Hindi nga niya sinundan ang halimbawa ni David. 34 Ngunit hindi ko aalisin sa kanya ang kaharian habang siya'y nabubuhay. Pananatilihin ko siyang hari alang-alang kay David, ang aking lingkod na tumupad ng aking mga utos. 35 Ngunit kukunin ko ang malaking bahagi ng kaharian mula sa kanyang anak, at ang sampung lipi ay ibibigay ko sa iyo.
merong ngang nag-sasabi “nakita nyo naba ang diyos na inyong sinasamba?, s’ya ba ay totoong diyos at inyo nang nakita?”.
Mga magulang ko’t mga kapatid Katotohanan na itong sinasamba natin ay totoong Diyos, at sya ay atin nang nakilala at atin na rin nakita, mababasa natin yan sa Juan 14: 6-7:
Si Jesus ang Daan
6 Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. 7 Kung ako'y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyo nang nakita.
Mga magulang ko’t mga kapatid nasa Banal na Kasulatan at si Jesus mismo nagsasabing nakita na natin ang Diyos. May sinasabi din ang Banal na Kasulatan tungkol sa mga anghel at ang Pagsamba Dito sa Lupa at Doon sa Langit, mababasa natin yan sa Hebreo 9: 5, 11-12, 15, 24
5 At sa ibabaw ng kaban ay may mga kerubin, na nagpapakitang naroon ang Diyos. Nalililiman ng mga pakpak ng mga kerubin ang Luklukan ng Awa, ngunit ito'y hindi na namin ipapaliwanag nang isa-isa ngayon.
11 Ngunit dumating na si Cristo, ang Pinakapunong Pari ng mabubuting bagay na narito na. At siya'y naglilingkod doon sa sambahang higit na dakila, walang katulad at hindi ginawa ng tao. Ang sambahang ito ay hindi sa sanlibutang ito. 12 Minsan lamang pumasok si Cristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo'y sapat na. Hindi dugo ng mga kambing at guya ang kanyang inihandog, kundi ang sarili niyang dugo, para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan magpakailanman.
15 Kaya nga, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong kasunduan. Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan, ipinatawad ang paglabag ng mga tao noong sila'y nasa ilalim pa ng naunang kasunduan. Dahil dito, makakamtan ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala na kanyang ipinangako.
24 Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay. Sa langit mismo siya pumasok at ngayo'y nasa harap na siya ng Diyos at namamagitan para sa atin.
Para naman sa mga hindi sumasampalataya ganito ang sinasabi sa Banal na Kasulatan 2 Corinto 4: 4-6
4 Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos. 5 Hindi namin ipinapangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon. At kami ay lingkod ninyo alang-alang kay Jesus. 6 Sapagkat ang Diyos na nagsabing, "Mula sa kadiliman ay sisilang ang liwanag," ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo.
Si Cristo ay Diyos na totoo at Taong totoo. Filipos 2: 6-10 Ang Halimbawa ni Cristo.
6 Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,
at naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.
At nang si Cristo'y maging tao,
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
Mga magulang ko’t mga kapatid ang sinasabi ng Diyos na hindi dapat sambahin na diyus-diyusan at katulad ng sa Isaias 46: 1-2 atin pong basahin.
1 Sina Bel at Nebo na dati'y sinasamba ng mga taga- Babilonia;
ngayo'y isinakay na sa likod ng mga asno at baka,
at naging pabigat sa likod ng mga pagod na hayop.
2 Hindi nila mailigtas ang kanilang sarili.
Sila'y parang mga bihag na itinapon sa malayo.
Tandaan ninyo mga magulang ko’t mga kapatid ang diyus-diyusan ay nagwawakas at kailanman ay hindi nagtatagumpay katulad nina Bel at Nebo, ito yung sinasabi ni Yahweh na diyus-diyusan sa Lumang Tipan. Samantalang sa Bagong Tipan ay inihalimbawa ni Cristo Jesus ang kanyang sarili na siya ang Diyos na totoo at tao namang totoo.
Pahayag 4: 7-8 Pananambahan sa Langit.
7 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat. 8 Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi,
"Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating."
Ave Maria Purissima. Ang lahat ng ito ay sagot sa mga puna, ito ay hindi para makipag-taasan ng galing o ano pamang paligsahan ng talino, ito po ay sinagot po natin nang sa gayun ay malaman natin kung ano talaga Katotohanang sinasabi sa Banal na Kasulatan, sa misyong ito ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ay para ibalik ang mundo sa iisang pananampalataya, alalaumbagay yakapin ang mga iba’t ibang relihiyoso at relihiyosa sa isang pananampalataya. Sa pamamagitan ni Cristo Jesus at ipinakilala niya ang Diyos Espiritu Santo na nagpatawag sa aba at mababang pangalang Mahal na Ingkong bilang ikatlong persona sa iisang Diyos at ang nag-iisang simbahang tinatag ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ang Apostolic Catholic Church, kung noong pnahon ng Amang Yahweh nagtatag siya ng kanyang simbahan ito ang judiaism, sa panahon ni Cristo Jesus siya ay isang judio at tinatag niya ang One Holy Catholic Apostolic Church, at sa panahon ng Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong ganun din siya’y nagtatag nang simbahan ang Apostolic Catholic Church dito ay matatagpuan mo ang 4 Marks of True Church ,One Holy Catholic Apostolic Church, at ito po ay may 26 Apostolic Line of Succession, miyembro po ito ng National Catholic of Churches in the Philippines at ng World Council of Churches sa pamamagitan ng masipag naming Mahal na Patriarka, Patriarch Dr. John Florentine L. Teruel P.P, Ph.D.
Ave Maria Purissima. Sa Pangalan ng DIYOS AMA, ANAK at ng ESPIRITU SANTO. AMEN.
ano po b tlga ang pangatlong utos ng Diyos, bagong tipan?
1 John 1:9 - If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us [our] sins, and to cleanse us from all unrighteousness.
= sa Panginoon tayo mag confess di sa Pari dahil Parehas tayong mga tao na ginawa ng Diyos.

tanong lang po ah..
sino po si ingkong?
at tsaka bakit po wala yung isa sa mga sampung utos ng Diyos?
i'm referring to:
“You shall not make for yourself an image in the form of anything in heaven above or on the earth beneath or in the waters below. 5 You shall not bow down to them or worship them; for I, the Lord your God, am a jealous God, punishing the children for the sin of the parents to the third and fourth generation of those who hate me, 6 but showing love to a thousand generations of those who love me and keep my commandments.
malinaw naman po na nakalagay yan sa biblya... Bakit napansin ko po na sa mga naka-ukit sa bato na sampung utos ng mga katoliko wala ang pangalawang utos? Bakit? kagulo lang po... Sana liwanagin nyo po ang lahat :)salamat po :)
Mag-post ng isang Komento